top of page
Search
BULGAR

Never daw iiwan forever… MARC KAY KRIS: FOR BETTER OR WORSE… IN SICKNESS AND IN HEALTH

ni Julie Bonifacio @Winner | August 11, 2023



Good news para sa mga nag-aabang ng update sa health condition ni Kris Aquino.


Sa kanyang Instagram post kahapon ay ibinalita ng Queen of All Media na nagkaroon ng improvement sa kanyang kalusugan.


Batay sa mga larawang ipinost ni Kris sa kanyang Instagram, nakakatuwang makita na medyo bumuti na ang katawan nito, suot ang color purple na mala-Barbie-inspired sports outfit.


Caption ni Kris, “Thank you because our prayers are being answered — my last blood panel showed improvement — it's slow progress, I have a long way to go... it's likely that after a few months, another medication will be introduced to my body by UCLA's Dr. Belperio — BUT I AM, against all odds (because of all my limitations with medicinal options), FINALLY, ON THE CORRECT PATH TO REMISSION and A BETTER QUALITY OF LIFE. Thank you to all. THANK YOU, GOD. #faith


Sa latest medical test/checkup ni Kris ay inalala niya ang mga araw ng kamatayan ng kanyang mga magulang na sina former Senator Benigno “Ninoy” Aquino at President Cory Aquino.


“I chose the midpoint between my mom's 14th death anniversary and my dad's upcoming 40th death anniversary to THANK ALL OF YOU who continue to PRAY for my recovery.


“My dad immediately died after being shot while descending the stairs to the tarmac of what was then Manila International Airport, 21 August 1983. My mom died of stage 4 colon cancer on 1 August 2009.


“Upon initial diagnosis, our mom was given 3 months BUT she fought hard, knowing her 5 kids weren’t ready. Our mom underwent all the most painful treatments and God granted us 17 more months. It's been 17 months since my Churg Strauss/EGPA diagnosis,” lahad ni Kris.


Kuwento pa ng Queen of All Media, tinawag daw siyang “badass” ng kanyang attending physician na si Dr. Malika Gupta.


“Because kinakaya ko even though malapot at mahapdi ‘yung ini-inject at malalim. Kailangan ibaon ‘yung pre-filled high-tech syringe.


“Yes, matapang na 'ko sa halos lahat ng kailangang pagdaanan at mataas ang pain tolerance ko.


It's the AFTERMATH, 72 hours feeling kagaya nu’ng bigat after a COVID vaccine but x3.


“Yes, parang 3X akong na-Pfizer or Moderna. This will be every other week, optimistically for me to reach “remission” over the next 10 to 12 months,” ani Kris.


Every other Tuesday daw siya tinuturukan ng both her biological injectable, PLUS methotrexate na ayon kay Kris ay “My chemotherapy medication taken 1x/week, being used as an immunosuppressant to help me reach remission for 3 of my autoimmune conditions.”


Sa last part ng kanyang caption ay may paglilinaw pa si Kris, “Clarification: autoimmune disorders have NO CURE, but life-threatening damage on the patient's organs can be prevented or managed if diagnosed early and/or given the proper treatment.”


Based sa series of photos na ipinost ni Kris sa IG kahapon ay makikita na kasama niya sa ospital ang kanyang bunsong anak na si Bimby, ang ever loyal assistant na si Alvin Gagui at ang kanyang ex-boyfriend na si Batangas Vice-Governor Marc Leviste.


Kinilig ang mga netizens sa ipinost na comment ni Marc sa latest IG post ni Kris. But definitely not happening now ang balikan ng dalawa, kasi sa separate post sa IG ni Marc ay sinabi nitong nakauwi na siya sa Pilipinas.


Malamang na ang mga ipinost na larawan ni Kris ay nu’ng bago pa umalis si Marc sa US.


At ngayon lang siguro nagkaroon ng time ang Queen of All Media na magbigay ng update regarding sa result ng kanyang blood tests.


Anyway, heto ang mensahe ni Marc kay Kris, “Kids and I will always be by your side... for better or worse, for richer or poorer, in sickness and in health, to love and to cherish FOREVER.”


Dahil diyan, kilig much ang mga netizens kay Marc.


“@markleviste Grabe, nakakakilig naman kayong dalawa!”


“@markleviste Sana, may ganito rin na lalaki sa akin, kung mag-alaga ay wagas. Hayyys, when kaya? Sana po, madami pang lalaki tulad n’yo, VG Marc!”


‘Yun, oh!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page