ni Beth Gelena @Bulgary | Mar. 1, 2025
Photo: Katherine Luna sa Julius Babao UNPLUGGED
Muling nabuksan ang isyu ng dating aktres na si Katherine Luna kaugnay sa anak niyang ipina-DNA umano noon ni Coco Martin.
Sa unang pagkakataon ay nagpaunlak ng panayam ang dating aktres sa UNPLUGGED YouTube (YT) Channel ni Julius Babao.
Nilinaw ni Katherine na hindi kailanman siya nanghingi ng pera sa aktor noong panahong ipinanganak niya si Nicole.
Aminado siyang simula noong tatlong taong gulang ang anak ay unti-unti niyang nakikitang hindi si Coco ang kamukha nito, na lalong napagtibay nang lumabas ang resulta ng DNA.
Pinili umano niyang umiwas noon dahil hindi niya alam kung paano niya babawiin ang lumabas na balita. Sumama rin daw ang loob niya sa ina nang ipahiram ang anak kay Coco nang hindi niya alam. Nasa pangangalaga raw kasi ng ina ang anak.
Mas pinili niyang ilayo ang anak upang maiwasan ang anumang maling akusasyon na gumamit siya ng pera ng aktor dahil hindi siya umano humingi ng anumang suporta kay Coco at umalis siya sa eksena dahil sa hiya.
Sa kasalukuyan, hindi pa rin daw nakikilala ni Nicole ang tunay na ama. Hindi rin daw ito taga-showbiz.
Pero, inamin niyang may asawa na rin siya ngayon na isang Chinese businessman at nag-aartista rin daw.
Sina Katherine at Coco ay nagkasama sa isang indie film, kung saan doon nagsimula ang kanilang ugnayan.
Ang layo na ng tinatahak ni Coco sa showbiz.
Hindi lang siya isang aktor kundi director na rin ng Batang Quiapo.
Ang kanyang pinakatanyag na papel ay bilang si “Cardo Dalisay” sa hit action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano (AP) na umere mula 2015 hanggang 2022.
Ang beteranang aktres na si Celia Rodriguez ay labis na humahanga sa kabutihan ng aktor kahit hindi niya ito personal na kilala. Marami na rin umanong narinig at nalaman si Celia na natulungan ni Coco.
Wala raw siyang ibang masabi sa aktor kundi alagaan ang sarili dahil kailangan pa siya ng industriya.
Si Celia ay kasama sa ikatlong yugto ng Batang Quiapo.
VERY touching ang mensahe ni Sylvia Sanchez sa anak na si Ria Atayde bilang isa na rin itong ina.
Sa Instagram (IG) post ni Ibyang, pinuri niya si Ria kung paano nito ginagawang maging isang mabuting ina sa anak nila ni Zanjoe Marudo na si Sabino.
Ani ng award-winning actress, “Even when you were little, while I was away at work, you instinctively took on the role of protector and nurturer for your siblings.”
Papuri pa ni Ibyang, “Motherhood was always in you—it’s who you are @Ria.”
“And now, seeing you step into this beautiful new chapter, my heart overflows with pride,” dagdag ng very proud lola ni Sabino.
Puring-puri ni Sylvia ang eldest daughter.
“You are radiant, more gorgeous than ever, and I know you will be an incredible mother to Sabino! Love you, my Potpot #gandamo, ‘nak.”
Nakakatuwa dahil ang anak niyang si Gela ay umapela, “Ako talaga panganay n’ya @ria.”
“Love you, Ma!” wika naman ni Ria sa ina.
IPINAKITA ni Megan Young ang baby bump sa kanyang birthday post.
Sa kanyang Instagram (IG) ay buong pagmamalaki na ibinida niya ang ipinagbubuntis na first baby nila ni Mikael Daez.
Ibinahagi niya ang kanyang larawan kung saan ang laki na ng kanyang tiyan.
“Hello to 35! Celebrating with a baby in my belly!” caption ng Kapuso actress-beauty queen.
Aniya pa, “Had a chill celebration today with family by eating my cravings of the day - lechon manok & had a chocolate chip cookie to replace a birthday cake.”
Comments