top of page
Search
BULGAR

Netizens, todo-react… MANOY NI PIOLO, DINAKMA NI APO WHANG OD, WA’ PALAG

ni Beth Gelena @Bulgary | March 14, 2024




Ang daming nag-react sa pagdakma ng kilalang legendary tattoo artist na si Apo Whang Od sa 'harap' ni Piolo Pascual. 


Hindi naman big deal kay Papa P ang ginawa ng national icon, dahil nakangiti pa ito na makikita sa video. 


“Nakita ko nga, trending si Apo Whang Od. Akala ko ano na nangyari.. nakahawak lang pala ng sandata.”


Ani ng netizen, “My opinion (of) the Apo Whang Od dakma issue is it becomes offensive when one party did not give permission or was offended or was uncomfy.”


Say naman ng isang netizen, "Piolo did not say no, did not move away and was laughing in good fun.”


Comment pa ng isa, “Ano’ng next na ika-cancel n’yo? ‘Yung mga tribe women na walang bra?”


Sabi pa ng isang commenter, “Piolo did not react because he is a gentleman and perhaps did not want to embarrass the hot Jurassic lady in respect for her stature as a national icon.


Piolo was polite and respectful. The Apo was disgusting.”


Sigaw ng isang netizen, “Shoutout sa mga woke na kina-cancel si Apo Whang Od dahil lang sa pagdakma n'ya kay Piolo Pascual pero dedma lang sa mga issues ni Quiboloy.”


O, ‘di ba, may point ang mga comments ng mga netizens na ito.


Komento naman ng isa, “This is her thing, I saw her do this to a friend na pari pa naman.”


Galit na sabi ng commenter, “Sus, ginagawa niya talaga ‘yan. Alam ‘yan ng mga pumupunta ru’n. Kung ayaw nilang pahawak, eh, di hindi sila pupunta ru’n. Tawag du’n, implied consent, mga Marites na inggit at mabababaw. Cancel-cancel, sus, pero pagdating sa mga pulitiko, nagkaka-amnesia kayo. Kaya ayan, sadlak sa dusa.”


May isang netizen na nagsabi, “Arte. Gawain na talaga ni Apo ‘yan. ‘Yang mga nagpapa-tats (tattoo) sa kanya at ‘pag feel ni lola, hahawakan niya pero for fun lang naman, jusko. Saka with consent na ng mga guys ‘yan. Ayaw kita ka-bonding, hirap mo isama sa outdoor activities.”


Pagtatanggol ng isang netizen kay Apo, “Based from that video, hindi naman umiwas si Piolo, so meaning it was not an issue for him. Ganu’n lang kasimple.”


Sinabi ng commenter, “Kung may dapat mag-react, si Papa P (Piolo) ‘yun, hindi kayong mga netizens, duhhhhh! ‘Wag masyadong sineseryoso ang mga bagay-bagay!”


Opinyon naman ng isang netizen, “For me, in-appropriate ito talaga BUT, everyone knows she does that, yet they still go, knowing they'd be grabbed. So for me, Piolo knew what's in for him, and he ok'd it. Baka nga kaya nagpupunta sila ru’n para ma-experience ‘yung epic dakma.”


May nagsabi ngang, “Pati yata si Coco (Martin), nahawakan din niya dati, pero bakit wala kayong pag-aaklas noon? Dapat consistent kayo at hindi biased. Porke’t si Piolo ang hinawakan naggaganyan na kayo. Be fair, kung ayaw n’yo sa isang tao, eh, di dapat sa lahat ng lalaki, ipagbawal na or ‘wag na kayo magpa-tattoo. Ganu’n kasimple, ‘wag nang gawing issue!!”


Dagdag ng isang commenter, "There is what you call personal space. Si Megan nga, buhok lang hinawi, react agad. Siya na-private part. Just because matanda na and legend, let it pass. Don't expect Piolo na magagalit, pero mawalang-galang na ho, set your boundaries.


Konting hiya.” 


Grabe, ‘di ba, ang daming affected much! 


 

Yayamanin na… 

ANDREA, SA YATE NAG-B-DAY KASAMA NG MGA BFF





Ipinasilip ni Andrea Billantes o mas kilalang si Blythe ang kanyang bonggang 21st birthday celebration na ginanap sa yate. 


Naka-post sa TikTok account ni Blythe ang masaya niyang birthday celebration. 


Bukod sa kanilang party, makikita rin ang fireworks display habang nanonood sila ng kanyang mga kaibigan. May mga pink balloons din na naka-display. 


Bukod sa mga pagbati ay marami ang nakapuna na super-ganda ngayon ng young actress. 


Komento nga ng mga netizens, “Nasa yatch sila??? Wow!!! At ang ganda ng dress ni Blythe, para talaga siyang princess." 


“Ang yaman na ni Blythe, payate-yate na lang ang peg.”


Bago sumapit ang kaarawan ni Andrea, binigyan niya ng gift ang dalawa nilang kasambahay. 


Narinig daw kasi niyang nag-uusap ang dalawa na gustong bumili ng sarili nilang motor. 


Nalaman niyang pinag-iipunan ng isa ang pambili ng motor para may magamit daw sa pagpasok sa school. 


Ang isa naman ay naghahanap ng magga-guarrantor sa kanya para makapag-loan ng motor. 


Naisip ni Blythe na darating na ang kanyang kaarawan kaya siya na lang daw ang magreregalo sa mga ito. Parehong sinorpresa ng dalaga ang dalawa nilang kasambahay. 


Umiiyak ang mga ito habang mahigpit na niyakap ang young actress nang matanggap nila ang motor. 

 




0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page