Netizens, nayabangan… SUNSHINE AT ATONG, CHOPPER ANG SERVICE SA SABUNGAN
- BULGAR
- 2 days ago
- 2 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Apr. 6, 2025
Photo: Atong Ang at Sunshine - Circulated
Sa isang Facebook (FB) account ay nabasa namin na magkasamang dumating ang magdyowang Sunshine Cruz at Atong Ang sa isang sabungan at inihatid sila ng helicopter.
Pagbaba nga ng chopper, sinalubong sila ng kanilang mga supporters sabay inalalayan papaloob ng sabungan.
Pero mas maraming netizens ang pumalag kasi tipong ang yabang daw ng arrival nina Sunshine at Atong, gayung ang daming naghihirap na Pinoy na apektado ng nagdaang COVID-19 pandemic.
Gayunpaman, meron din namang mga dumepensa sa magdyowa kasi siguro raw ay hindi naman intention ng dalawa ang mang-inggit ng kapwa nila dahil iyon na ang kanilang lifestyle.
Oo nga naman. To each their own, ‘ika nga.
Boom! ‘Yun na!
ANG Kapamilya love team-partners na sina Kim Chiu at Paulo Avelino ay magkasamang pumunta sa ABS-CBN Ball 2025 nu’ng Friday sa Solaire Resort North.
Natanong sila kung ano ang pakiramdam sa pagpunta sa naturang event.
“Masaya siyempre. It’s a different feeling na nandito kami celebrating with our Kapamilya sa industry and siyempre with Pau,” sabi ni Kim Chiu na host din ng It’s Showtime (IS).
“Same sa tagline ng ABS-CBN - In the Service of the Filipino people. So we do our service by entertaining people and bringing smiles into people's homes. So maraming-maraming salamat po, mga Kapamilya,” ang nasabi naman ni Paulo Avelino.
Sina Paulo at Kim ang mga bida sa pelikulang My Love Will Make You Disappear (MLWMYD) na palabas pa rin sa mga sinehan.
“First we want to say thank you sa mga nanood not only here in the Philippines but also across the world. Nakikita namin sa mga social media namin. So we are happy and thankful for that overwhelming support. Sa mga hindi pa nakakapanood, panoorin n’yo. Nasa sinehan pa po s’ya,” saad ni Kim.
“Now on our second week,” dagdag pa ni Paulo.
The 2025 ABS-CBN Ball, dubbed as Brighter Together (BT), celebrates the artists, employees, and industry partners who continue to shape ABS-CBN’s journey as a global storytelling company.
It also champions greater cause as a portion of the proceeds will help support ABS-CBN Foundation’s advocacies.
Comments