ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 9, 2022
Si Judy Ann Santos ang napiling gumanap na Elsa sa script-reading ng Himala para sa screenplay book launch ni National Artist for Literature Ricky Lee.
Magaganap ang script-reading ngayong Agosto 9 sa Cinemalaya Film Festival at magkakaroon din ng book signing.
Ayon kay Ricky Lee, "Judy Ann Santos will read the monologue of Elsa from Himala. She will be joined by Dingdong Dantes, Agot Isidro, Gina Alajar and Aicelle Santos."
Babasahin nga nila ang mga excerpts mula sa screenplays ni Ricky Lee sa book launch ng Mga Screenplay ni Ricky Lee Vol 1: Brutal, Moral, Karnal; at Vol 2: Himala, Salome, Cain at Abel.
Inamin naman ni Juday sa kanyang post na labis-labis ang kaba na kanyang nararamdaman.
"Kinakabahan po ako... pero isang karangalan ang maimbitahan na gawin ang obra ng dalawang National Artists... Pagkatawid ko nito... pakiramdam ko... ok na... ok na ok na."
Marami naman ang naniniwala na kayang-kayang maitawid ni Judy Ann ang iconic role ni Elsa na unang binigyang-buhay at pinasikat ng Superstar at National Artist for Cinema na si Ms. Nora Aunor.
Wala namang duda na isa nga siya sa best actresses in her generation. Pero, may ilang netizens din na nagne-nega sa kapasidad niya bilang aktres at say nila:
"Kaya mo 'yan, Juday! Basta HIMALA talaga ang bigkas, hindi HIMELAH."
"She can do it!"
"Go girl... Slay it girl."
"Mahirap tapatan si Nora Aunor. Mata pa lang, punumpuno na ng emosyon."
"Overacting actress!"
"And what is your basis in saying that? Did you watch her movies and teleseryes? I watched almost all her movies and TV series so I know that Judy Ann is perfect as Elsa."
"However, playing naaapi 'yung roles.... palaging pa-victim. NAKAKASAWA."
For sure, maraming Marites ang mag-aabang sa magiging performance ni Judy Ann at kung mabibigyan ba niya ito ng hustisya.
Samantala, ipinost din niya ang art card ng 'Rest In Peace, Cherie Gil' at nilagyan niya ito ng caption na: "Ikaw ang naging basehan sa pagiging kontrabida.. pero sa tunay na buhay.. ikaw ang basehan ng pagiging totoo sa sarili at sa kaibigan. Our industry lost another pillar.
You will never ever be forgotten, Ms. Cherie.
"Rest well in God’s loving arms… no more pain up there for sure.. Here? We give you our never ending gratefulness for sharing your craft and wisdom to all of us."
Pinusuan din ito at umapaw ang pakikidalamhati sa namayapang mahusay na aktres.
Comments