top of page
Search
BULGAR

Netizens, awang-awa… OGIE, NABU-BULLY DIN NI VICE GANDA

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | June 10, 2024



File photo showbiz

Naawa ang mga netizens kay Ogie Alcasid dahil sa ginagawang pagbibiro sa kanya ni It’s Showtime host Vice Ganda sa national television.


Kaya naman trending kahapon, Linggo, ang hubby ni Regine Velasquez dahil maraming nagtanggol sa kawalan ng respeto ni Vice at ‘yung iba ay pabor naman.


Ipinost ng X (dating Twitter) user na si @AltKamuning ang mga screenshot ng eksena nina Ogie at Vice sa It’s Showtime kung saan nagkukuwento ang una na binabara-bara naman ng huli.


Ang caption ng netizen, “Walang eme, ha, I feel sad for Ogie. I still remember he was one of GMA’s OPM frontrunners. He was also a respected comedian like Michael V, kaka-sad lang. Choice naman n’ya lumipat but I just feel sad na ganyan treatment sa kanya ngayon, nakapag-retire sana on a high note.


“Eto, ha, medyo napapansin ko na rin na ginagawang Bentong ni Vice Ganda si Ogie Alcasid. ‘Yung parang laughing stock? Eh, nu’ng nasa GMA si Ogie, he was a comedy veteran side by side with Michael V. They were kings! 


“Sila ang nagpaumpisa ng mga comedy gag show hence Tropang Trumpo in ABC TV5 tapos Bubble Gang sa GMA, mga tinitingala sa larangan ng pagpapatawa.


“Pero sa Showtime, ganu’n-ganu’n na lang pagtripan at lait-laitin si Ogie. Even my mom said, ‘Napapanood kaya ni Regine ‘yang mga ipinagagawa ni Vice? Kasi nga sobrang harsh na ng treatment ni Vice kay Ogie. Sobrang galing na OPM composer, singer at comedian, tapos parang naging Pipoy/Bentong/Long Mejia ang treatment?”

Nagbigay naman ng kani-kanilang opinyon ang mga X users na trending din sa kani-kanilang account.


Sey ni @1224sniper, “LOL (laughing out loud) ‘di mo ba alam, pangarap n’ya maging host sa Showtime, matagal s’yang naging judge. At kung Showtimer ka, alam mo na minsan si Ogie, nag-uutos sa kanila na okrayin s’ya at itulak s’ya. Wala kasi kayong alam.”


Mula kay @miguelyuz, “Mema ka na naman, marunong ka pa du’n sa tao, hahaha, hindi mo naman sila palamon. Desisyon ka, hahaha.”


Reaksiyon ni @wi_wi_wi22, “Nakaka-sad kaya ‘pag nasa GMA sila. Kaya wala nang natirang singer d’yan, eh, pinagtitiyagaan na lang nina Mark at Christian Bautista (laughing emoji).”


Opinyon ni @volleygossip, “After Kim, Vice and Anne, ngayon Ogie naman. Kumpletuhin n’yo na kaya mga hosts sa It’s Showtime. Dami n’yong napapansin sa ABS-CBN, obvious na obvious na tutok kayo masyado sa Kapamilya.”


Mula kay @Anony_mous02, “The only reason why nawala ang veteran singers ng GMA is because tinanggal nila ‘yung shows like Party Pilipinas, ‘yun ‘yung permanent for them kaya kasalanan ng GMA. Tho, I have to agree na Ogie was a better comedian sa GMA, mas nabigyan sa GMA ng exposure ‘yung comedy n’ya.”


Sa tingin ni @itsme_JMCG, “Actually, na-offend na ‘yan, ayaw n’ya lang magsalita. Pinakanakakaawa d’yan si Lassy kasi laging napapahiya and always sinasabihan na ‘panget’ on National TV which is in-appropriate and pansin mo rin sa mukha ni Lassy na napapahiya s’ya.”


At kaya trending ang post ni @AltKamuning ay dahil umabot sa 111 comments at 33,000 views and still counting.

0 comments

ความคิดเห็น


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page