top of page
Search
  • BULGAR

Nesthy Petecio, iniisip ang pamilya, Caloy Yulo, wa’ paki, grabe!

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 27, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

TIYAK NAGSISISI SI VP SARA KASI KUNG TUMAKBO SIYA NOON SA PAGKA-PRESIDENTE, SIYA ANG PANGULO NGAYON AT SI BBM BALIK SA PRIVATE CITIZEN -- Para kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio ay political harassment ang ginagawa ng Marcos administration sa kanyang pamilya at mga kapanalig ng pamilya Duterte.


Hindi man aminin, siguradong nagsisisi na si VP Sara kung bakit nakipag-tandem pa siya kay Pres. Bongbong Marcos (PBBM). kung bakit kasi hindi pa siya kumandidato sa pagka-presidente, kung nilabanan niya si PBBM noong 2022 elections, malamang siya (VP Sara) ang presidente ng ‘Pinas, at si PBBM ay balik sa pagiging private citizen, period!


XXX


BUTI PA SI BRONZE MEDALIST NESTHY MAY PAKI SA KANYANG PAMILYA, SI GOLD MEDALIST CALOY WALANG PAKI -- Sinabi ni Olympics women’s boxing bronze medalist Nesthy Petecio na ang milyun-milyong pisong mga incentive na kanyang nakamtan ay ilalaan niya para sa kanyang pamilya, at ang mga house and lot na kanyang natanggap ay ibibigay niya sa kanyang mga kapatid.


Buti pa si Nesthy ay seguridad ng kanyang pamilya ang iniisip sa mga tinatanggap niyang biyaya, hindi tulad ni Olympics gymnast 2 gold medalist na si Caloy Yulo sa kabila ng sangkaterbang biyayang tinatanggap hanggang ngayon ay walang paki sa tunay niyang pamilya, tsk!


XXX


KAPAG NATIMBOG, MABUBULOK SA KULUNGAN SI QUIBOLOY -- Dalawang biktima ng human trafficking ang na-rescue ng mga pulis sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City.


Kapag natimbog si Pastor Apollo Quiboloy ay talagang pagkabulok sa kulungan ang aabutin nito kasi ‘yung nilalaman ng warrant of arrest na hawak ng kapulisan laban kay Quiboloy ay mga kasong sexual abuse at human trafficking na parehong no bail, tapos may maidadagdag pang kasong human trafficking na no bail din, boom!


XXX


NOON SABI NI QUIBOLOY SA LANGIT NIYA ISASAMA ANG MGA TAGASUNOD NIYA, PERO NGAYON NABISTO SA ILALIM NG LUPA ISINAMA PARA MAGTAGO -- Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Marbil ay kumpirmadong nagtatago si Quiboloy at ang lima niyang tagasunod sa bunker na nasa ilalim ng lupa.


Aba teka, ‘di ba sabi noon ni Quiboloy na ang sinumang sasapi sa sekta niyang KOJC na magiging tagasunod ay sa langit niya dadalhin, eh bakit ngayon sa ilalim ng lupa niya isinama ang mga ito para magtago, he-he-he, boom!




0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page