ni Madel Moratillo @News | Feb. 19, 2025

Photo File: Comelec Chairman George Garcia - Comelec
Hindi umano bawal ang paggamit ng negative campaigning laban sa kapwa kandidato.
Paliwanag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia, pinapayagan ito sa ilalim ng Omnibus Election Code.
Gayunman, babala ni Garcia puwede itong mauwi sa cyber libel o libel kung nakakasira ng puri o nag-aakusa, na isang krimen o isang bagay na hindi naman totoo.
Aminado ang opisyal na wala silang magagawa kung ang nagsasagawa nito ay supporter ng kandidato.
Comments