top of page
Search
BULGAR

NCR residents na hindi bakunado, bawal lumabas sa ilalim ng Alert Level 3 — Metro Manila Council

ni Jasmin Joy Evangelista | January 3, 2022



Ipinag-utos ng Metro Manila Council na dapat manatili sa bahay ang mga hindi pa bakunadong mga indibidwal, maliban na lamang kung bibili ng essential goods habang nasa ilalim ng Alert Level 3 ang Metro Manila, ayon kay MMDA chair Benhur Abalos.


“Yung mga walang bakuna or unvaccinated, number one, they shall remain in their residences at all times except for the procurement of essential goods and services,” pahayag ni Abalos sa isang press conference.


Ang karagdagang restriction na ito para sa mga hindi bakunado ay inaprubahan ng Metro Manila Council na binubuo ng 17 NCR mayors.


Nang tanungin kung kalian magiging epektibo ang naturang restriction sa mga unvaccinated, sinabi ni Abalos na mag-i-issue ng mga ordinansa ang bawat LGU hinggil sa pagpapatupad nito.


Ang mga hindi pa bakunado ay papayagan lang ding lumabas upang mag-exercise sa lugar na sakop lamang ng residence, village, o barangay, depende sa regulasyon ng LGU.


Samantala, sinabi ni Abalos na ang implementation ng stay-at-home order sa NCR ay ang “pilot case” sa buong bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page