ni Madel Moratillo | June 2, 2023
Bumaba na sa moderate category ang 7-day positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Dr. Guido David, fellow ng OCTA Research Group, bumaba pa ito sa 19.9% hanggang nitong Mayo 30, 2023.
Mas mababa ito ng 4.5 percent sa 24.4% positivity rate na naitala noong Mayo 23.
Nakitaan din ng bahagyang pagbaba ang bilang ng mga okupadong COVID-19 hospital beds.
Nanatili aniya sa low risk category ang occupancy ng mga COVID-19 hospital beds sa bansa.
Ang positivity rate ay ang porsyento ng mga nagpopositibo sa COVID na sumailalim sa pagsusuri.
Comments