top of page
Search
BULGAR

NCR mayors, hihilingin sa IATF na ‘wag nang gawing mandatory ang pagsusuot ng face shields – Abalos

ni Jasmin Joy Evangelista | November 8, 2021



Inanunsiyo ni MMDA Chair Benhur Abalos na hihilingin ng Metro Manila Council sa IATF na huwag nang gawing mandatory ang pagsuot ng face shield maliban na lamang sa mga critical areas.


Aniya, voluntary na lamang ito at "matter of personal choice” at mandatory na lamang kung nasa ospital, health centers, at public transportation.


“Napag-usapan namin sa face shield. Number 1, ito 'yung isasagot ko sa IATF na tanggalin na po ang face shields, hindi na gawing mandatory except for critical places,” ani Abalos sa isang panayam.


Ayon pa rito, susuportahan nila ang suhestiyon ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año tungkol sa non-mondatory wearing ng face shields.


Samantala, sa Maynila ay hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shields matapos lagdaan ni Mayor Isko Moreno ang executive order hinggil dito.


Batay sa kautusan, ang pagsusuot ng face shields ay mananatili lamang mandatory sa hospital settings, medical clinics, at iba pang medical facilities.


“…The wearing of face shield in the City of Manila is non-mandatory except in hospital setting, medical clinics, and other medical facilities, which shall remain to be mandatory,” ani Moreno.

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page