top of page
Search

NCR, GCQ "with heightened restrictions" pa rin

BULGAR

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 29, 2021



Palalawigin ang pagsasailalim sa Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ) "with heightened restrictions" simula sa Agosto 1 hanggang 15 matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mananatili naman sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) classification ang Iloilo City at Iloilo province sa Region 6, at Cagayan de Oro City at Gingoog City sa Region 10 simula sa Agosto 1 hanggang Agosto 7.


Isasailalim naman sa modified enhanced community quarantine (MECQ) classification ang Ilocos Norte sa Region 1; Bataan sa Region 3; at Lapu-Lapu City at Mandaue City sa Region 7 simula sa August 1 hanggang August 15. Samantala, bukod sa Metro Manila, ipapatupad din ang GCQ "with heightened restrictions" sa mga sumusunod na lugar: Ilocos Sur sa Region 1; Cagayan sa Region 2; Bulacan sa Region 3; Laguna, Lucena City, Cavite at Rizal sa Region 4-A; Naga City sa Region 5; Antique, Aklan, Bacolod City at Capiz sa Region 6; Negros Oriental sa Region 7; Zamboanga del Sur sa Region 9; Misamis Oriental sa Region 10; Davao City, Davao del Norte, Davao de Oro at Davao Occidental sa Region 11; at Butuan City sa CARAGA.


Isasailalim naman sa GCQ sa kabuuan ng buwan ng Agosto ang mga sumusunod na lugar: Baguio City at Apayao sa Cordillera Administrative Region; City of Santiago, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino sa Region 2; Quezon at Batangas sa Region 4-A; Puerto Princesa sa Region 4-B; Guimaras at Negros Occidental sa Region 6; Zamboanga Sibugay, City of Zamboanga at Zamboanga del Norte sa Region 9; Davao Oriental at Davao del Sur sa Region 11; General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato at South Cotabato sa Region 12; Agusan del Norte, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands at Surigao del Sur sa CARAGA at Cotabato City sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.


Samantala, ang iba pang mga lugar sa bansa ay isasailalim sa Modified GCQ sa kabuuan ng buwan ng Agosto.

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page