top of page
Search
BULGAR

NCR, Alert Level 2 pa rin hanggang Peb. 28 – Malacañang

ni Lolet Abania | February 14, 2022



Mananatili ang National Capital Region (NCR) sa ilalim ng Alert Level 2 hanggang Pebrero 28, 2022, ayon sa Malacañang ngayong Lunes.


Sa inilabas na anunsiyo, sinabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na ang mga lugar na isasailalim sa Alert Level 3 ay Iloilo City, Iloilo province, Guimaras, Zamboanga City, Davao de Oro, Davao Occidental, South Cotabato.


Ginawa ng Malacañang ang pahayag, matapos na ang Metro Manila Council (MMC), na binubuo ng 17 alkalde sa NCR, ay napagkasunduan na i-extend sa ilalim ng Alert Level 2 ang rehiyon hanggang sa katapusan ng Pebrero.


Sa ilalim ng Alert Level 2, ang ikalawa sa pinakamababang bagong alert level system ng bansa, ang mga partikular na establisimyento at mga aktibidad ay pinapayagan na sa 50% capacity indoors para sa fully vaccinated adults (at minors, kahit hindi pa nabakunahan), at 70% capacity outdoors.


Sa ilalim naman ng Alert Level 3, maraming establisimyento ang pinapayagan na mag-operate ng 30% indoor venue capacity subalit para lamang sa fully vaccinated individuals, at 50% outdoor venue capacity habang ang mga empleyado ay dapat fully vaccinated na.


Ang in-person classes, contact sports, fun fairs, perya, at casinos ay ilan sa mga aktibidad at establisimyento na ipinagbabawal na mag-operate sa ilalim ng Alert Level 3.

Ang iba pang lugar na isasailalim sa Alert Level 2 mula Pebrero 16 hanggang 28 ay ang mga sumusunod:


Sa Luzon:


• Abra, Apayao, Baguio City, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mountain Province sa Cordillera Administrative Region;

• Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan sa Region I;

• Batanes, City of Santiago, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino sa Region II;

• Bulacan, Angeles City, Aurora, Bataan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac at Zambales sa Region III;

• Cavite, Rizal, Batangas, Laguna, Lucena City at Quezon Province sa Region IV-A;

• Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Puerto Princesa City at Romblon sa Region IV-B;

• Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Naga City at Sorsogon sa Region V.


Sa Visayas:


• Aklan, Antique, Bacolod City, Capiz at Negros Occidental sa Region VI;

• Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Bohol, Cebu, Negros Oriental at Siquijor sa Region VII;

• Ormoc City, Tacloban City, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Western Samar, Biliran at Southern Leyte sa Region VIII.


Sa Mindanao:


• City of Isabela, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte at Zamboanga Sibugay sa Region IX;

• Bukidnon, Cagayan de Oro City, Camiguin, Iligan City, Lanao del Norte, Misamis Occidental at Misamis Oriental sa Region X;

• Davao City, Davao del Sur, Davao del Norte at Davao Oriental sa Region XI;

• General Santos City, North Cotabato, Sarangani at Sultan Kudarat sa Region XII;

• Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Butuan City at Dinagat Islands sa Region XIII (CARAGA);

• Basilan, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi, Cotabato City at Lanao del Sur sa Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page