ni Lolet Abania | May 27, 2022
Mananatili ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 1 mula Hunyo 1 hanggang 15 sa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic, ayon sa Malacañang ngayong Biyernes.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Kris Ablan na batay ito sa Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution 168-A.
Bukod sa NCR, kabilang sa mga lugar na isasailalim din sa Alert Level 1 ay Abra, Ilocos Norte, Batanes, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Angeles City, Olongapo City, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Lucena City, Marinduque, Albay, Aklan, Siquijor, Biliran, Zamboanga City, Bukidnon, Iligan City, Surigao del Sur, Butuan City at iba pa.
Sa ilalim ng Alert Level 1, pinapayagan ang intrazonal at interzonal travel anuman ang edad at comorbidities, habang lahat ng establisimyento, mga indibidwal, o aktibidad para mag-operate, magtrabaho at full on-site capacity ay nagpapatupad ng minimum public health standards.
Comments