top of page
Search
BULGAR

NCAA virtual games muna ang aabangan ng fans

ni Gerard Peter - @Sports | June 16, 2021




Patuloy na susundin ng National Collegiate Athletics Association (NCAA) at season 96 host na Colegio de San Juan de Letran Knights ang kautusan ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID), na base rin sa Joint Administrative Order (JAO), na patuloy na ipinagbabawal ang contact sports sa kanilang programa.


Hindi pa rin pinapayagan ang pagsasagawa ng mga paboritong laro na basketball at volleyball sa bagong season, bagkus ay gaganapin ang mga online sport games gaya ng taekwondo at chess, alinsunod sa ipinapatupad na health at safety protocols ng IATF at Department of Health.


Contact sports are not allowed and played this season, and we’re hoping that the public understands the situation, which they are expecting the usual things or games we’ve been doing before,” wika ni NCAA Management Committee chairman Fr. Vic Calvo Jr. “So, I guess people will stop speculating about it. We have to adjust.”


Nitong nagdaang Linggo ay nagbukas ang bagong season ng NCAA na wala ang tradisyunal na mga laro ng basketball dahil sa mga pagbabawal dulot pandemic, habang inaasahan na ring wala ang mga larong volleyball sa second semester.


Ang tanging mga programang nilalaro ay ang virtual taekwondo competitions na nagsimula na nitong Lunes, Hunyo 14, kabilang ang poomsae events mula sa men’s, women at juniors’ division hanggang bukas, Hunyo 17.


Ilulunsad ang speed kicking competitions sa parehong tatlong kategorya na nakatakdang simulan sa Biyernes, Hunyo 18 hanggang Hulyo 5 para sa virtual meet. Mas pinili ng host na Letran, na magdiriwang ng kanilang ika-400th na sentenaryo, na patuloy na umahon kesa sa sumuko kahit na may nararanasang krisis at matinding laban kontra Covid-19 ang buong mundo at Pilipinas.


Kasalukuyang inilagay sa maluwag ng bahagya na General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) at Bulacan, habang nanatili sa mas mahigpit na GCQ ang Cavite, Laguna at Rizal Provinces.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page