top of page
Search
  • BULGAR

NBSB, ngayong taon mami-meet si Mr. Right

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | July 5, 2024



Dear Maestro,


Ang problema ko ay tungkol sa love life ko. Maganda naman ako sabi ng mga kaibigan ko, pero ang ipinagtataka ko ay bakit hanggang ngayon wala pa rin akong nagiging boyfriend? Hindi ako ligawin ng mga lalaki. Gayunman, hindi naman ako nagmamadali, kaya lang, sa edad kong 28, ako na lang ang walang boyfriend sa aming magpipinsan at magkakaibigan.

Kailan ba ako magkaka-boyfriend at ano ang kapalaran ko sa love life? Ang birthday ko ay October 6, 1995.

Umaasa,

Maui ng Arenas, Arayat, Pampanga 


 

Dear Maui,


Kapag ang babae ay hindi gaanong ligawin ng mga lalaki, maaaring masabi na mahina ang kanyang karisma. 


Ang “karisma” o “charisma” ay hango sa salitang Greek na “charisma”, na nangangahulugang “favor freely” o “gift of grace”.


Galing din ito sa plural word na “charismata”, na hango sa salitang ugat na “charis” o “grace”, na nangangahulugang “filled with attractiveness”. 


Sa sarili kong paliwanag, kapag malakas ang iyong karisma, ikaw ay masasabing lubhang pinagpala at biniyayaan ng likas na kagandahan.


Mapapansin mo rin na ang salitang “charity” ay halos kapatid o pinsang buo ng salitang “charisma”, kung saan ang ibig sabihin naman ng “charity” mula sa salitang Latin ay “carus”, na nangangahulugang “dear” o sabihin na nating “mapagmahal”.


Samakatuwid, sa mga depenisyong tinuran, para magkaroon ka ng “charisma” na aakit ng mga manliligaw at magagandang kapalaran, kailangan marunong kang magbigay (gift) at magmahal (love).


Sa ganyang paraan, kung mapagbigay at mapagmahal ka sa iyong kapwa, hindi mo mamamalayan, kasabay ng “virtue” ng pagbibigay at pagmamahal, na araw-araw mong inuugali at isinasabuhay, magugulat ka dahil lalakas ang taglay mong karisma tulad ng mabango, kaakit-akit at makulay na bulaklak, kusa kang lalapitan ng mga bubuyog at paru-paro. Magugustuhan ka rin ng kalalakihan at hindi lang isa o dalawang tao kundi maraming tao ang magkakagusto, maaakit at susunod sa iyo.


Sa ibang salita, ang pagkakaroon ng pambihirang pang-akit sa kapwa ay hindi nagsisimula sa panlabas na ganda o anyo. Bagkus, ito ay nagsisimula sa “loob”, “kaibuturan ng iyong ugali” o “sa kalooban ng iyong puso”. 


Sa ganitong batayan, likas kasi sa iyo ang pagiging mabait at matulungin, magre-reflect ngayon sa panlabas mong pagkatao ang pag-ibig sa iyong kapwa na siyang magsisilbing pang-akit o panghalina sa maraming tao na kusang magkakagusto sa iyo. Dahil kung gaano kaganda ang loob ng puso mo, maaaninag din ito sa panlabas mong kaanyuan.


Sa susunod na araw, muli nating talakayin kung paano lalakas, hindi lamang ang panlabas at panloob na karisma kundi ang “personality magnetism” ng isang tao upang lalo pa niyang makamit ang very satisfied at maligayang pakikipagrelasyon sa kanyang opposite sex.  


Pansamantala, maging mabait ka lang sa mga tao, Maui, ganundin sa mga hayop at halaman, lalo na sa mga kakilala at kaibigan mong lalaki, at maging mapagbigay ka. Sa ganitong paraan, kusang lalakas ang iyong karisma at ngayong 2024, sa buwan ng Hulyo hanggang Oktubre sa edad mong 28 pataas, magkaka-boyfriend ka na at habambuhay na liligaya, hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Virgo.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page