ni VA @Sports | August 21, 2023
Agad masusubok ang tikas ng Gilas Pilipinas sa nakatakda nilang pagsagupa sa Dominican Republic sa pagbubukas ng 2023 FIBA World Cup sa Sabado-Agosto 25 sa Philippine Arena sa Bulacan.
Pinangungunahan ni Minnesota Timberwolves ace Karl-Anthony Towns, target ng Dominicans na maitala ang pinakamataas nilang pagtatapos sa World Cup kasunod ng nauna nilang tatlong appearances noong 1978 kung saan tumapos silang pang-12, 13th noong 2014 at 16th noong 2019.
Naging two-time All-NBA Third Team member at 3-time All-Star, Isa si Towns sa mga pinakamahusay na manlalarong sasabak sa World Cup.
Taglay ng seven-foot big man ang career average na 23 puntos, 11.2 rebounds, 3.2 assists at 1.3 blocks sa loob ng 8 season's niya sa Timberwolves.
Bukod sa pagiging matinding puwersa sa gitna kaya rin ni Towns na maging outside threat matapos niyang mapanalunan ang NBA Three-Point Contest noong isang taon kung saan tinalo niya ang mga top gunners ng liga na sina Trae Young, Luke Kennard, Patty Mills at CJ McCollum.
Bukod Kay Towns, inaasahan ding magpapahirap sa kanilang mga kalaban si Victor Liz na mahigit isang dekada ng miyembro ng Dominican Republic national team.
Ang 2023 World Cup ang ikatlo ng World Cup stint, ng 6-foot-1 guard na si Liz. Ang 37-anyos na si Liz ang naging scoring leader ng Dominican Republic sa nakaraang Americas Qualifiers. Kasalukuyang nasa No. 23 spot sa world ranking, ang Dominican Republic ang ikalawang highest ranked team sa Group A kasunod ng No. 10 Italy at mas mataas sa No. 40 Philippines at No. 41 Angola.
Tatangkain ng Dominicans na muling talunin ang GIlas na ginapi na nila noong nakaraang FIBA Olympic Qualifying Tournament noong Hulyo 2021, 94-67.
Kung ang Dominican Republic ay may Towns, inaasahan namang mangunguna para sa Gilas Pilipinas si Utah Jazz star Jordan Clarkson na may career-high averages na 20.8 puntos, 4.4 assists, at 4 rebounds sa nakaraang NBA season.
Comentários