ni Mary Gutierrez Almirañez | March 23, 2021
Nagpositibo sa COVID-19 ang National Basketball Association (NBA) player na si Derrick Rose, batay sa pahayag na inilabas ng kanyang kampo nitong Lunes, Marso 22.
Ayon pa kay Rose, "The COVID thing, I know a lot of people overlook it but it's very serious. It's real. I had the flu. It's nothing like the flu… It was that times 10.”
Matatandaang mula sa Detroit Pistons ay kalilipat lamang niya sa Knicks. Huli siyang nakapaglaro sa court noong Pebrero 28, kung saan mayroon itong average na 12.5 points at 4.9 assists sa loob ng 10 games. Si Rose ay isang 32-anyos na American professional basketball player.
Siya ang naging ‘top overall pick’ noong 2008 NBA Draft sa Chicago Bulls at ginawaran bilang Most Valuable Player (MVP) nu'ng sumunod na 2010-2011 season.
Komentar