top of page
Search
BULGAR

Nayong Pilipino, kailangang kumilos bago masimot ang pondo

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | April 16, 2023


Nakakabahala ang lumabas na ulat ng Commission on Audit (COA) na nagsasabing kailangang gumawa ng paraan ng Nayong Pilipino Foundation (NPF) na magkaroon ng alternative revenue sources para sa kanilang operations.


Ayon sa COA, kung walang konkretong plano o proyekto para magkaroon ng income, at walang movement para maging sustainable ang operations ng NPF, paniguradong masisimot kung anumang pondo na mayroon sila.


Siguro, kailangan na balikan at i-review ng Department of Tourism (DOT) ang na-approve ng National Economic and Development Authority (NEDA) na orihinal at kauna-unahang PPP (Public Private Partnership) model para sa isang cultural theme park ng Nayong Pilipino.


Kung ating babalikan, kasama sa planong ito ang pagkakaroon ng P1.5-billion tourism-oriented project under PPP na magtatampok sa kulturang Pilipino.


☻☻☻


Maaari ring tingnan ng DOT ang financial and sales projections ng NPF sa susunod na lima hanggang 10 taon.


Bukod pa rito, tingnan na rin ng DOT ang ibang activities yung mga corporate function na nadodoble lang ang mga ginagawa na ng ibang ahensya.


Kailangang magkaroon ng sense of urgency ng NPF at kailangan na nilang kumilos para masiguro na patuloy na maging self-sustaining GOCC.


☻☻☻


Bukas, Abril 17, ang deadline ng filing ng income tax return (ITR) at sinabi na rin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi nila i-e-extend ang deadline na ito.


Lubhang mahalaga ang buwis na naiaambag nating lahat sa mga programa at proyekto ng pamahalaan para sa ikauunlad ng ating bansa.


Kaya naman pinaalalahanan natin ang lahat na huwag kalimutan ang kanilang obligasyon na magbayad ng tamang buwis.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.

Be Safe. Be Well. Be Nice!


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page