Nawawalang lalaki, natagpuang patay sa saksak
- BULGAR
- Feb 24, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 24, 2024

Natagpuang patay dahil sa mga saksak ang isang lalaki na nawawala noong Biyernes sa bayan ng San Juan sa lalawigan ng Batangas.
Ayon sa ulat ng Region 4A police nitong Sabado, natagpuan ng kanyang kapatid ang bangkay ni "Arcel," alas-12:10 ng tanghali sa may damuhan sa riprap ng ilog sa Barangay Tipaz.
Base sa ulat, nagtamo ang katawan ng biktima ng mga nakamamatay na saksak sa kanyang likod. Natagpuan din sa lugar ang isang kutsilyo at isang ice-pick.
Idineklara ng pamilya na nawawala si Arcel nang hindi siya bumalik sa kanilang bahay pagkatapos umalis mula sa kanilang tahanan bandang alas-3 ng madaling-araw, Biyernes, kasama ang mga hindi nakilalang indibidwal. Hindi nagbigay ng impormasyon ang ulat tungkol sa kasama ng biktima.
Patuloy namang nagsasagawa ang pulisya ng mas malalim na imbestigasyon.
Comments