ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 5, 2023
Natagpuan ang nawawalang eroplano na may dalawang sakay sa lalawigan ng Isabela ngayong Martes ng umaga, ayon sa isang opisyal ng lokal na pamahalaan.
Sinabi ni Joshua Hapinat, public information officer ng bayan ng Isabela, na natagpuan na ang eroplanong nawala noong Nobyembre 30 sa isang lugar sa bayan ng San Mariano.
Ayon pa sa kanya, wala pang impormasyon na makukuha hinggil sa kalagayan ng dalawang tao na sakay ng eroplano.
Ipinahayag naman ni Eric Apolonio, spokesperson ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), sa mga mamamahayag na naghihintay pa ang kanilang ahensya ng ulat mula sa kanilang mga imbestigador.
Nawala ang eroplano kasama ang piloto at isang pasahero noong Nobyembre 30.
Umalis ang Piper PA-32-300 ng Fliteline Airways, na ino-operate ng Cyclone Airways, mula sa Cauayan Airport ng 9:39 ng umaga at dapat sana'y dumating sa Palanan Airport ng 10:23 ng umaga noong Nobyembre 30.
Comments