Julie Bonifacio - @Winner | April 26, 2021
Inamin ni Ogie Alcasid na nahirapan siya sa sitwasyong kinakaharap nating lahat, especially sa mga unang buwan ng pandemya. Pinauwi raw kasi nila ng misis niyang si Asia's Songbird Regine Velasquez ang mga kasambahay nila pati na ang mga driver para makapiling ang kanilang pamilya.
"Kami-kami lang ang nandito. Ang lolo mo, medyo nahirapan," pabirong sabi ni Ogie na nasa bahay habang iniinterbyu namin ni Ateng Janice Navida sa online show ng BULGAR na #Celebrity BTS Bulgaran Na last Saturday.
Si Ogie raw ang naglalaba at si Regine naman ang nagluluto.
"Yes, pati ang pag-aalaga sa mga aso, pusa, pag-grocery. Ang kasambahay po namin, lima. Tapos, driver pa. So, lahat ginawa namin. Napagod kami,” natatawang kuwento ni Ogie.
"But you know what, masasabi ko na isa 'yun sa pinakamasaya naming araw. Of course, ang lungkot nu'ng pandemya. Pero dahil magkakasama kami, ang sarap ng bonding namin. Hindi ko makalimutan 'yun. Nu' ng nagbalikan na nga ang mga kasambahay, parang, 'Ay, wala na tayong gagawin?'
"And then of course, lahat ng equipment namin, nagamit talaga namin dahil sa online concerts. ‘Di ba si Regine, nag-concert siya for Bantay-Bata? Pati 'yung ibang commercials niya, rito ko shinoot. Naging pro-active kami dahil wala namang live, nagagawa namin dito.
“Natutunan ko ring mag-stream gaya ng ginagawa natin ngayon."
It's their way daw of reaching to their fans. At the same time, parang therapy na rin sa kanya kasi meron siyang nakakausap at nakikita pa niya ang reaksiyon ng mga tao.
"Virtually, natulungan kami, you know, mentally. 'Yun ang mga ginagawa namin. Hanggang sa bumalik na kami sa trabaho namin sa ASAP. At alam naman natin na nawalan tayo ng franchise, 'di ba?
"So, isa pa 'yun sa mga dagok na pinagdaanan ng lahat. And then, 'yun, unti-unti… nakabalik. Hindi pa rin buo pero, ayun. Masasabi ko na siguro, kung hindi kami madasalin, baka medyo baliw-baliwan na kami ngayon, oo. Hahaha! So, okay pa naman."
Namatay din ang ama ni Ogie last year at marami rin daw sa kanila ang nagkasakit.
"Tinamaan talaga kami. Ang hirap. Pero alam mo, looking back, inaalalayan talaga tayo ng Panginoon. Kasi kung wala 'yun, talagang mapapariwara tayo.
“So, 'yun, thankful. Kaya siguro kami, we make it a point na ‘yung biglaan, kakanta kami ng Christian songs or nagse-share kami."
Nakaramdam ba sila ni Regine ng depresyon during that time?
"Meron, meron. Pareho kami. (But) I won't say depression. That's a very, very, very deep word. I would say deep anxiety… and fear. May takot, 'no. Sadness. 'Yung lungkot na lungkot kami kasi hindi namin nakikita 'yung mga mahal namin sa buhay. I'm sure kayo rin, 'di ba? Kasi kahit may faith ka, dadaan ka talaga sa ganoon, 'di ba? And in fact, maganda rin na pagdaanan mo 'yung mga ganoong bagay na alalayan mo ng faith. Kasi, kung hindi, doon ka na bibigay talaga."
Naikuwento rin ni Ogie na pati ang anak nila ni Regine na si Nate ay naapektuhan din ng lockdown.
"Alam mo, tinitingnan ko ang anak ko, minsan, nasasaktan ako for him. Kasi, hindi niya nakikita ang mga kaibigan niya, ang mga pinsan niya.
"Minsan, umiiyak ‘yan sa amin, ‘Mommy, I want to see my cousins.’ And, mahirap. Hindi kami makapag-reunion. Halos magda-dalawang taon na.
"Ako, my hope for him is that despite of what is happening, he’d still become… he does not change his ways. Kasi, ‘yung anak ko, naku, napaka-sweet niyan, lalung-lalo na sa nanay niya."
Mahilig din daw kumanta si Nate at ito raw ang trip gawin nito at ng kanyang mga pinsan. Favorite ni Nate ang mga kanta ng international singer na si Billie Eilish.
Among Regine's songs, kinakanta ni Nate ang I Can Live at Pangako ni Ogie.
Gusto rin daw ni Nate na maging komedyante gaya ni Ogie.
Well, dahil parehong singers ang kanyang mom and dad, hindi kataka-taka na someday, music industry din ang pasuking larangan ni Nate.
Comments