ni Julie Bonifacio @Winner | March 18, 2024
Inamin ni Xyriel Manabat na nagseselos siya kapag kasama o hinahanap ng ilang set of friends niya sa showbiz ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Nathaniel Toledo more than her.
Nagkuwento si Xyriel ng latest status ng relasyon niya with Nathaniel sa PUSHBets Live recently.
Pag-amin ni Xyriel, “Sa mga nagsasabi na siya ‘yung nagseselos, hindi. Ako ‘yung nagseselos.
Baligtad. Ako ‘yung threatened.”
Naging close na kasi ang BF ni Xyriel sa kanyang celebrity friends gaya ni Elijah Canlas na nakasama niya sa Kapamilya drama-series na Senior High.
“Mas close sila nila Elijah,” diin ni Xyriel. “Ako ‘yung minsan naa-out of place. Mas mauuna pa siyang i-kiss nina Elijah bago ko siya ma-kiss.
“Halimbawa, bago ko siya mabati ng ‘Oy, nandito ka pala,’ mauuna nilang malaman. Sila muna ‘yung magyayakap. Tapos, halimbawa nagte-take ako or nasa malayo ako, inaayusan, kapag nandoon sila sa upuan, maglalambingan, maghahaplusan. Lagi akong naiinis,” ngitngit pa ni Xyriel.
Close rin daw ang BF niya kina Juan Karlos, Kyle Echarri at Zaijian Jaranilla.
“Pang-aasar nila sa akin, inaasar nila ako kapag clingy sila sa isa't isa kasi ayaw ko. Ako ‘yung nagseselos,” say ni Xyriel.
Dagdag pa niya, “Siya ‘yung hinahanap. Halimbawa, mayroon kaming alis, punta kaming out of town or mayroon kaming get-together or may birthday, (sasabihin nila) ‘Dalhin mo si ano, ah!’ ‘Pupunta si (Nathaniel)? Papuntahin mo, ah!’ Laging talagang request nila na pupunta siya. “Madali siyang makisama at masaya siyang kasama kaya tuwang-tuwa rin po sila.”
Bata pa lang ay magkakilala na sina Xyriel and Nathaniel. Magkapitbahay daw kasi sila.
Naging mag-best friends hanggang na-develop sila sa isa’t isa at naging magdyowa.
Lastly, supportive BF naman daw si Nathaniel sa kanyang career.
“Natutuwa po siya lalo kapag may nag-e-effort para ipakita ‘yung appreciate nila sa work ko, sa craft ko. Supportive siya, sobra. Kapag may mga edit sa gawa ko, mga recognition about my work, awardings, nagpapakita kami pareho ng appreciation sa fans at sa supporters and sobra po akong vocal kung gaano po ako ka-thankful at ka-grateful sa kanila (fans),” lahad ni Xyriel.
Comments