ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Nov. 27, 2024
Photo: Joshua Garcia at Kathryn Bernardo - Instagram
Inamin ni Joshua Garcia na pangarap niyang makatrabaho ang long-time crush niyang si Kathryn Bernardo.
“Sana! Pero wala pa namang nasabi sa ‘kin,” sey ni Joshua sa panayam sa kanya during the Star Magical Christmas Ball held recently.
“Hindi pa s’ya totoo pero sana,” dagdag pa niya.
Ni-recall nga ng aktor na matagal na niyang crush si Kathryn.
“Oo naman! PBB pa lang, crush ko na ‘yun, eh,” pagkumpirma niya.
“Parang inamin ko naman ‘yun nu’n sa PBB. Parang natutulala pa ako,” pag-alala ni Joshua.
“Malaking achievement from humahanga lang ako sa kanya to naging magkaibigan kami,” sey pa ng aktor.
Matatandaang nagsimula si Joshua sa showbiz nang maging housemate siya sa reality show na Pinoy Big Brother: All In nu’ng 2015. Hanggang ngayon nga ay makikita pa rin sa internet ang video kung saan ay bumisita si Kathryn noon sa PBB house at natulala naman talaga ang aktor.
BUMALIK ng Canada sina Kathryn Bernardo at Alden Richards kung saan sila nag-shooting ng Hello, Love, Again (HLA) para taos-pusong magpasalamat sa mga nanood ng pelikula.
As we all know, ang HLA ang may hawak na ngayon ng record na Highest Grossing Filipino Film of All Time dahil nga kasalukuyan nang mahigit sa isang bilyong piso ang kinikita nito.
Ang naturang pelikula rin ang kauna-unahang Filipino film na kumita ng isang bilyong piso sa box-office.
“We’re very grateful kasi we didn't expect much, we just wanted to tell a great story, and we are just so grateful with everything that has been happening kasi parang bonus (na po) namin ‘to,” saad ni Alden base sa panayam ng GMA-7.
Dagdag ni Kathryn, “That gives us hope na sana, magtuluy-tuloy ‘to, na sana, suportahan natin ‘yung gawang Pinoy. Nakaka-proud lang na nagiging parte tayo ng ganu’n.”
Natutuwa rin si Alden na napakaraming Pinoy ang naka-relate sa istorya ng movie.
“A lot can relate, maraming Pilipino all over the world kaya joint forces talaga tayo for this film. It’s very relatable, with the characters and the scenes that we were able to showcase within the film, one way or another, mayroong mata-touch ‘yung buhay,” sey ng aktor.
Bago pumunta sa Canada, nagkaroon muna ng Meet and Greet sina Alden at Kathryn sa Carson, California.
Deklara ni Alden, “We’re just very happy and we’re very fulfilled na the support that we’ve been getting is far beyond our expectations.”
Sabi naman ni Kath, “Every time na mami-meet kami, kita mo lang ‘yung warmth ng lahat, like masaya lahat sa nangyayari sa Philippine cinema, which is a good thing.”