ni MC @Sports | January 6, 2023
Bubuhayin ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang unang PNVF National U18 Championships para sa Boys at Girls sa Pebrero at Marso, ayon kay federation president Ramon “Tats” Suzara noong Huwebes.
“This is to reactivate the grassroots and age-group competitions which will also be basis of the selection of national age-group teams,” saad ni Suzara.
Ang joint tournament ay nakaiskedyul sa Peb. 17, 18, 19, 24, 25 at 26 at March 3, 4, 5, 10, 11 at 12 na parehong idaraos sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila at sa PhilSports Arena sa Pasig City kung saan ang mga Inquiries at registration ay matutunghayan sa PNVF website http://volleyballphilippines.com/.
Idinaos ang nakaraang inter-secondary U18 tournament sa nakaraang 10 taon kung saan ang PNVF ay dati pang Philippine Amateur Volleyball Association.
Ang PNVF ang pinaka-abalang national sports association noong 2022 na nag-host ng major international competitions—ang Men at Women leg ng Volleyball Nations League (VNL) noong Hunyo sa Smart Araneta Coliseum, Asian Volleyball Confederation Women’s Cup noong Agosto at Champions League noong Nobyembre parehong sa PhilSports Arena at ang Volleyball World Beach Pro Tour Futures sa Subic noong Disyembre kung saan nagwagi ng gold sina Sisi Rondina at Jovelyn “Gonzaga habang sina Genesa Jane “Jen” Eslapor at Floremel Rodriguez ang naka-silver.
Idaraos din nitong 2023 ang VNL sa MOA Arena sa Hulyo at Champions League sa November. May training partnership din ang PNVF sa Japan Volleyball Association para sa indoor at beach volleyball.
Comentários