ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | August 15, 2024
Naniniwala tayong nasa tamang landas ang kasalukuyang mga reporma sa ilalim ng MATATAG Agenda ng Department of Education.
Subalit para magtagumpay ito ay kailangang matugunan ang kakulangan ng mahalagang data na siyang magpapakita ng tunay na estado ng edukasyon sa bansa.
☻☻☻
Inilunsad ang MATATAG Agenda noong 2023. Layunin nito na i-prioritize ang development ng foundational skills ng mga estudyante sa literacy, numeracy, at socio-emotional learning.
Ngunit, tila kulang ng mga critical na data para matukoy ang aktwal na bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng intervention at screening, na maaaring makaapekto sa pagkaepektibo ng mga NLRP learning camp.
Lumalabas kasi na sa mga estudyanteng na-identify na kailangang lumahok sa intervention camps, nasa 50 percent lang ang nag-volunteer sumama.
Ibig sabihin, ang mga na-assess lang at nabigyan ng intervention ay ‘yung 50 percent na sumali.
☻☻☻
Dahil dito, hindi natin nakikita ang buong sitwasyon. Sa kasamaang palad, may malaking population pa ng mga learner na kailangan ng intervention pero napag-iwanan ulit dahil ‘di sila lumahok sa learning camp.
Makikita nating walang makakamit ang programa kung ang populasyon na ito na hindi sumali sa intervention camps ay hindi pa rin bumubuti ang proficiencies para sa kanilang grade levels.
☻☻☻
Iminumungkahi din natin na isama na sa academic calendar o gawing bahagi ng school year ang mga intervention camps.
Hindi sapat ang siyam na araw para lunasin ang foundational numeracy or literacy.
The mere fact that we have 7-and 8-graders who cannot do simple basic addition or subtraction, ibig sabihin ay alien sa kanila ang itinuturong math kahit sa normal math class setup. Mas maigi rin kung ipu-pullout na lang at bigyan ng sariling special class ang mga mag-aaral na kulang sa proficiency upang mas matutukan sila.
☻☻☻
Malala ang krisis sa edukasyon at kinabukasan ng kabataan ang nakasalalay dito. Kung kaya, kailangang sa lalong madaling panahon ay masinsinan ang gawin nating pagtugon.
☻☻☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!
FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comentários