ni Nitz Miralles @Bida | January 13, 2024
Intriguing ang cryptic post ng sister ni Kathryn Bernardo na ang sabi, “We know what you did last summer.”
Tapos, ang photo na ginamit ay parang clown at sa caption ng post, may nakasulat na "(2017, 2018, 2019, 2021, 2023)- and the very first one that I know (2014).”
Kani-kanya tuloy ng hula ang KathNiel fans, pati ang mga fans ni Kathryn, kung ano ang ibig sabihin ng post na ito ng sister niya. Hindi rin siya matanong dahil naka-private ang IG account niya at kahit siguro open ang comment box, hindi pa rin siya sasagot.
Bago ang cryptic post na ito ng sister ni Kathryn, nauna nang ni-like ng aktres ang post ni Mark Salamat na “A Mistake Repeated More Than Once Is A Decision.”
Common friend daw nina Kathryn at Daniel Padilla si Mark.
Commentaires