top of page
Search
  • BULGAR

Natanggal daw ang malas sa buhay niya… KIM, MAS GUMANDA ANG CAREER NANG MAWALA SI XIAN

ni Beth Gelena @Bulgary | June 9, 2024



Showbiz news

Mas marami ang nakisimpatya kay Kim Chiu kesa kay Xian Lim nang sabihin ng It's Showtime host na sana ay respetuhin nila ng kanyang ex-boyfriend ang isa't isa at 'wag nang ungkatin o pag-usapan pa sa mga interviews ang past nila.


May naging interview kasi si Xian na sinabing game siyang makasama uli sa trabaho si Kim. Pero ayon naman sa Chinita Princess, huli na niyang pagsasalita tungkol kay Xian 'yung sinabi niya nu'ng December, 2023 nang mag-break sila.


May patutsada pa si Kim na kung wala namang nagsasalita ay hindi na raw naman mapag-uusapan ang naging relasyon nila.


Komento ng mga netizens sa sinabi ni Kim… “Buti pa si Kimmy, classy ang sagot. ‘Yung isa, nuknukan ng papansin, kasi his only claim to fame naman talaga was riding on Kimmy’s fame.”


“Yes sumikat lang dahil kay Kim, that’s undisputed.”


“And he wouldn’t and couldn’t admit that. He thinks so highly of himself. I’m so done with this guy. I get why people, not only Kim's fans as he claimed, get infuriated with him.”


“At least si Gerald, kahit paano, may hatak sa masa, humawak ng mga unconventional roles like Budoy and never used her breakup with Kim for clout.”


“Hugs, Kimmy!”


“Awww, I feel you Kim. Leave her alone na, let her be happy.”


“Tama naman. I feel for her. S’ya ‘yung nananahimik, tapos s’ya pa ‘yung sinasaktan at bina-bash. If there’s any consolation, her career has recently taken off to levels, it’s probably never been on before, that’s good karma and all these happened after the breakup. Natanggal siguro ang “bad energy” at “malas” sa buhay n’ya.”


“Kudos to Kim, dami ng presscon, media junket at interviews sa kanya pero wala kang maririnig about ex or sa breakup n’ya. Ngayon lang talaga kasi panay pa-interview ng ex n’ya (6. mos after breakup) kung kelan may ipapalabas na 2 movies.”


"Nafu-frustrate na si Kim sa kakangawa ng ex n’ya, paulit-ulit na lang. Close chapter na nga nu’ng December pero etong ex pilit inuungkat after months ng break up. Gamit na gamit si Ate mo gurl! Wala kasi may pakialam sa kanya ‘pag hindi about Kim Chiu.”


“Xian became relevant at the expense of Kim and he will milk Kim till the last drop to stay relevant, a classy guy will never entertain any question regarding his ex.”


“Ang tanong, marunong ba s’yang rumespeto? Binastos nga n’ya sa stage ‘yung kalokalike mo, eh.”


“Sobrang insecure ng ex ni Kim sa success n’ya now. Gustong maikabit pa pangalan n’ya at makatrabaho uli si Kim! Puwede ba, lubayan mo na si Kim! Ilang taon ka rin n’yang binuhat!”


May sagot pa kaya si Xian sa panibagong pamba-bash sa kanya?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page