top of page
Search
  • BULGAR

Natakot para sa ipinagbubuntis… ANGELINE, SUPER-LAKAS MAG-KANIN, DIABETIC NA

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 7, 2024


Showbiz News
Photo: Angeline Quinto / IG

Nalungkot at na-stress si Angeline Quinto nang malaman niyang mayroon siyang gestational diabetes. Bale ba ay buntis pa naman siya sa ngayon sa 2nd baby nila ng mister na si Nonrev Daquina. 


Sa kanyang latest vlog ay ibinahagi ng singer kung paano niya natuklasan ang kanyang sakit at kung ano ang kanyang naging sumunod na hakbang.


“Nakausap ko ‘yung OB (obstetrician gynecologist) ko, si Dr. Shirley and ipinaliwanag n’ya sa akin ‘yung mga naging result ng lab (laboratory) tests na ginawa ko yesterday,” kuwento ni Angeline.


“And nakakalungkot kasi nga, meron daw akong gestational diabetes. So parang sabi ko, ‘Dok, ano ‘yun? Sa’n ko nakuha ‘yun? Kasi nu’ng nanganak naman ako kay Sylvio (first baby nila ni Nonrev), wala naman po akong ganu’n,’” dagdag niya.


Sinabi raw sa kanya ng doktor na maaaring sa lifestyle or sa pagkain niya kaya siya nagkaroon ng gestational diabetes.


Aminado naman si Angeline na talagang hindi niya nakontrol ang pagkain niya lately.


“Aminado naman ako na parang medyo wala akong kontrol ngayon, kasi nga ang dami ko ring ginagawang work, out of town tapos dito sa Manila,” saad niya.


Sinabihan din daw siya ng doktor na baka makaapekto ito sa dinadalang baby kaya naman nagdesisyon siyang baguhin na ang kanyang lifestyle at ang kanyang pagkain.


“Nakakalungkot lang kasi sabi n’ya na puwedeng makaapekto kay baby, so parang kailangan ko na talagang magbago ng lifestyle, guys. Parang ayokong kinakain ko lahat ‘yung gusto ko, pero hindi dapat.


“Kailangan nating magbago, Diyos ko! Ang lakas ko kasi sa kanin, ano ba ‘yan?!” aniya.

Ang una siyempre niyang tatanggalin sa kanyang pagkain ay ang kanin.


“Kaya naman natin ‘yan basta disiplina lang at siyempre, para kay baby talaga,” sey niya.


“Stressed ako,” sambit pa niya.


Sa mga sumunod na bahagi ng video, ipinakita ni Angeline Quinto ang mga pagbabago sa kanyang pagkain. Mapapanood din sa bandang dulo ang pag-check niya ng kanyang sugar and in fairness ay mababa naman ito kaya na-happy ang singer na tama ang ginagawa niyang pagda-diet.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page