ni Gerard Peter - @Sports | January 23, 2021
Itutuloy ng Philippine Sports Commission (PSC) ang naipagpaliban na National Sports Summit sa pamamagitan ng online conference-type sessions na mayroong tatlong programang bahagi ng lingguhang serye na magsisimula sa Enero 27.
“We wanted to push through with this because we know it will be useful to know where we are now from where we were almost three decades ago. It will help see the road ahead of us and navigate it better,” pahayag ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez.
Tinutukoy ng 70-anyos na pinuno ng ahensya ang pagpapasinaya sa 1st National Sports Summit na ginanap noong 1992, kung saan may 38 resolusyon para sa pag-aasam ng maayos na national sports environment. Para sa 2021 edition, sisimulan sa lingguhang conference-type online session ang 25 usapin na may titulong Sports Conversations. Aalamin sa summit ang estado ng palakasan sa bansa at gumawa ng paraan para makamit ang sports excellence. Tinapik ng PSC ang mga kilalang personalidad sa lokal at pandaigdigang sports para magbigay ng maiigsing kaalaman sa online conference.
Kabilang sa unang batch ng lectures ay sina United Sports Academy (USSA) President T.J. Rosandich, Philippine Sports Institute (PSI) Dean of Philippine Sports Henry Daut, DAVNOR Sports Development Head Giovanni Gulanes, at UP professor Tessa Jazmines.
Bubuksan ni Rosandich, ang tatlong bahagi ng summit sa lecture na “Sports Success from a First World Perspective.” Sa kanyang akademiya ay naging bahagi sina American-Israeli Olympic figure skater Aimee Buchanan at two-time national coach of the year Mike Leach. Ibabahagi ni Gulanes ang husay sa sports development programs sa LGUs sa Pebrero 4. Parte rin ang long-time sports coordinator sa mga youth training at hands-on management ng programang pampalakasan ng probinsya.
Tutuklasin ng mga paksang may kinalaman sa PSC’s Sports Mapping Action Research Talent Identification (Smart ID) program mula kay Daut, gayundin ang grassroots development sa Pebrero 11, habang ihahatid ng beteranong sportswriter at UP professor na si Jazmines ang kumpletong detalye hinggil sa halaga ng sports marketing sa Pebrero 28.
Comments