ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | September 21, 2020
Salaminin natin ang panaginip ni Daisy na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na nasunog ang bahay namin sa Pampanga? Bahay lang ‘yung nasunog dahil ang mga tita at lola ko ay wala sa bahay namin. Pumunta sila sa kabilang bayan at dinalaw nila ‘yung isa kong tito.
Naghihintay,
Daisy
Sa iyo, Daisy,
Ayon sa mga dakilang alagad ng sining sa pagsusulat, kapag may naging abo o ang isang bagay ay naging abo, mayroong hindi nakikitang pangyayari na kanilang inilalarawan na isang pagkaganda-gandang ibon ang lumalabas sa umuusok-usok pang mga abo.
Kaya ayon sa iyong panaginip, isang bagong magandang kapalaran ang makikitang magsisimula sa buhay ng iyong mga tiyahin sa probinsiya.
Ang bagong kapalarang nasabi ay pag-angat sa next level of life. Kung sila ay mahirap, maaaring yumaman na sila. Kung sila naman ay mayaman na, magsisimula na silang makilala sa lipunan at kikilalaning isa sa mga may mataas na kalagayan sa komunidad.
Maaaring nag-aalala ka dahil likas sa mga Pinoy na negatibo ang kaisipan kung saan ang sunog ay inaakalang hindi maganda ang ipinahihiwatig. Pero tulad ng nasabi na, sa hanay ng mga dakilang alagad ng sining sa literatura, ang sunog ay isang pagbabago na papataas kaysa dating antas.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo
KASAMA KO PO ANG AKING MGA KAMAG-ANAK,ISA NA ANG TIYAHIN KO,MGA PINSAN AT KAPATID KO SA ISANG LUGAR PARANG PAG TITIPON, TAPOS NANDOON DIN ANG PINSAN KO (na nakatampuhan ko sa totoong buhay pati asawa nya na babae dahil sa utang nila sa akin 3 years ago at di pa nagbabayad)
MAYA MAYA NAKITA KO ANG ASAWA NIYA ,NAGALIT AKO KUNG BAKIT BIGLA SIYA NANDOON SA LOOB NG AMING BAHAY KAYA HINAWAKAN KO BUHOK NYA AT BINITBIT PALABAS AT PINAPAHULI SA MGA BARANGAY TANOD..PAGKATAPOS NAKITA KO SA LIKURAN NA PARANG MAY NAGLALARO NG PAPUTOK,PAGKATAPOS NG ISANG PUTOK TUMILAPON SA BUBONG NG NIPA NG BAHAY NAMIN (kubo lang bahay namin pero sa panaginip hindi po iyon ang bahay namin) AT NAG…