ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 11, 2020
Pansamantalang pagpapalaya sa political detainee na si Reina Nasino ang naging panawagan ni Senator Nancy Binay ngayong Linggo sa mga jail authorities. Ito'y upang mabisita ni Nasino ang labi ng kanyang 3-buwang gulang na anak na babaeng si River na namatay sa sakit na pneumonia.
Pahayag ni Binay, “Muli, nananawagan po tayo na sana ay pansamantalang palayain si Reina para makasama niya ang kanyang anak sa huling pagkakataon.”
Noong September 24, dinala si baby River sa Manila Medical Center dahil umano sa diarrhea at lagnat na kalaunan ay nakumpirmang pneumonia. Nu'ng October 9 ay tuluyan nang pumanaw ang beybi sa intensive care unit ng Philippine General Hospital.
Buwan ng July nang ipanganak si Baby River at Agosto 13 naman nang ihiwalay ito sa kanyang ina, ayon sa order ng Manila Regional Trial Court Branch 20.
Ikinulong si Nasino sa kasong illegal possession of firearms.
Ayon din kay Binay, “Ang ipinaglalaban po natin is to have a legal basis under existing laws for courts to provide alternative modes of confinement for women detainees for humanitarian and compassionate reasons.
“We must also review whether the existing policies and protocols of the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) regarding women detainees, especially their access to medical care and facilities, are still relevant with the new normal.”
Comments