top of page
Search

Nasasakal sa tambay na bf, ‘di ka-compatible kaya dapat makipag-break na

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| January 31, 2022



Dear Maestro,


Matagal na akong OFW, pero nang umuwi ako rito, napansin ko na nagbago na ang boyfriend ko. Naging seloso siya at halos lahat ng lakad ko ay binabantayan niya, gayundin, palagi niyang hinihiram ang phone ko para tingnan ang laman at pagkatapos ay paghihinalaan niya ang mga nasa aking contacts. Bagama’t mahal ko siya, hindi ko na ma-take ang ginagawa niya. Parang hindi ko na siya kayang pagpasensiyahan, kaya gusto ko munang makipag-cool off sa kanya.


Hindi siya dating ganito, nagbago lang siya mula nang mag-abroad ako at sabihin na nating naging palaayos ako, gumanda at nagkaroon ng kaunting pera, habang siya naman ay walang trabaho ngayon.


Gusto kong malaman, Maestro, kung tama ba ang desisyon ko na makipag-cool off muna sa kanya para makapagpalamig ng ulo sa mga ginagawa niya na wala sa lugar?


Compatible rin ba kami? Isinilang ako noong January 14, 1996, habang siya ay October 1, 1992.


Umaasa,

Mhara ng San Antonio, Parañaque City


Dear Mhara,


Hindi kayo compatible ng boyfriend mo, kaya tama ang desisyon mo na makipag-cool off sa kanya dahil ang zodiac sign mong Capricorn ay earth type sign, habang ang zodiac sign naman niyang Libra ay air type sign. Ang pagsasama ng hangin at lupa ay wala lang, kumbaga, walang mangyayari at hindi magkatugma.


Bukod sa hindi kayo compatible sa Astrology, ang birth date mong 14 o 5 (ang 14 ay 1+4=5) ay hindi rin tugma sa birth date niyang 1.


Gayunman, sa pakikipag-cool off, ipaliwanag mong mabuti na hindi ikaw ang higit niyang ka-compatible. Sa halip, ang mas ka-compatible niya ay ang kapwa niya air type sign na Libra, Gemini at Aquarius, gayundin ang isang Taurus, higit lalo silang may mga birth date na 4, 13, 22, 31, 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25.


Habang sa kaso mo naman, ang higit mong ka-compatible ay ang mga kapwa mo earth type sign na Taurus, Virgo at kapwa mo Capricorn, gayundin ang water type sign na Cancer, higit lalo silang may mga birth date na 5, 14, 23, 8, 17, 26, 9, 18 at 27.


Sa piling ng mga lalaking nabanggit, tiyak ang magaganap, mas magkakaroon ka ng kapayapaan ng isipan, mas mauunawaan ka nila at sa bandang huli, matatagpuan mo sa mga lalaking nabanggit ang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page