top of page
Search
BULGAR

Nasa ‘yo na ang lahat... BELA, BIDA NA, WRITER AT DIREKTOR PA NG GINAGAWANG MOVIE

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | April 4, 2022



Sa virtual mediacon ng Vivamax Film titled 366 starring Bela Padilla, Zanjoe Marudo at JC Santos ay natanong ni yours truly si Bela kung may pinaghugutan siya in real life nang gawin niya ang said movie?


Kasi, bukod sa siya ang lead star ay siya rin ang writer at director ng 366 na ang istorya ay tungkol sa pag-move on sa isang naunsiyaming pag-ibig na tipong tumagal ang pag-move on nang isang taon, plus one day kaya naging 366.


Pero hindi na tinanong ni yours truly kung ang pinaghugutan niya ng story ay ang nakalipas na love story nila ng ex-BF niyang si Neil Arce na ngayon ay jowa na ni Angel Locsin.


Ayon kay Bela, na-inspire siyang isulat ang kuwento ng 366 nang bumiyahe siya sa Maldives at doon ay nalaman ang kuwento ng isang Pinoy couple na sinubok ng pagkakataon habang nasa kanilang dream travel destination.


Dito naisip ni Bela kung ano ang mararamdaman niya kung siya ang nasa lugar ng Pinay at kung paano siya makakapag-move on sa buhay at sa pag-ibig.


She even added na ang 366 ay ang kanyang idea sa pag-move on sa buhay at sa pag-ibig. Hindi raw ito madali pero posible raw sa paisa-isang hakbang araw-araw.


Wow, tipong bagay panoorin ni Kris Aquino ang 366 movie nitong si Bela Padilla 'coz ayon sa ilang Marites ay mukhang hindi pa rin nakakapag-move on si Krissy sa naging love affair nila ni Herbert Bautista na tumatakbong senador this coming May, 2022 election dahil nang pumunta ito sa rally ng mga maka-pink sa Tarlac ay nagsabing huwag daw iboto ang kanyang ex, etcetera, etcetera.


Well, ito lang ang puwedeng gamiting quotation-ek ni yours truly sa mga lovers diyan na heartbroken at 'di pa nakakapag-move on.


Here it goes… "If you don’t leave your past in the past, it will destroy your future. Live for what today has to offer, not for what yesterday has taken away…” boom, may point at with sense, devah, mga Marites?


FYI, kinopya ko lang po itey sa isang post sa FB account ko. Insert smiley, ☺!


At tipong bumagay kay Bela Padilla ang nasabing quotation-ek, ha!


Look, Dick, look n'yo now si Bela, artista na, writer at director pa ngayon after niyang makapag-move on sa isang naunsiyaming pag-ibig at nagamit pa niya sa pagsusulat ng story cum script na feeling namin ay ito ngang 366 of Vivamax Films streaming this coming April 13 and April 15, 2022 only sa Vivamax.

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page