ni Madel Moratillo | July 1, 2023
Napatunayang guilty ng Sandiganbayan sa kasong graft, malversation at direct bribery si dating Davao del Norte 1st District Rep. Arrel Olaño kaugnay ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.
Anim hanggang 10 taong pagkabilanggo ang ipinataw ng Sandiganbayan para sa bawat bilang ng kaso kay Olaño habang hanggang 16 taon naman sa kasong malversation at 4 hanggang 9 taon naman sa direct bribery.
Nahatulan ding guilty sina Janet Lim Napoles, dating Technology and Livelihood Resource Center manager Maria Rosalinda Lacsamana at iba pang indibidwal.
Mas binigyang bigat ng korte ang testimonya ng whistleblower na si Benhur Luy at iba pang documentary evidence kabilang ang daily disbursement reports, bank documents at report ng Anti-Money Laundering Council.
Sinasabing idinivert umano ni Olaño at mga kapwa akusado nito ang kanyang PDAF na nagkakahalaga ng P1.89 million, P4 million at P2.5 million sa non-existent projects noong 2007.
Sa pagdinig una nang sinabi ni Olaño na pineke ang kanyang pirma.
Comments