ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 31, 2024
Photo: Kathryn Bernardo / Fast Talk With Boy Abunda / SS
Pasabog ang weeklong birthday celebration ng nag-iisang King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang afternoon talk show sa GMA-7, ang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
Sa unang araw pa lamang ay si Kathryn Bernardo na ang kanyang special guest at dito inamin ng aktres na masaya ang kanyang puso ngayon.
Definitely, ‘di kaya si Alden Richards ang dahilan kaya masaya si Kathryn? Mismong si Kathryn ang umamin when asked by Kuya Boy kung sino ang pipiliin niya between Ethan (karakter ni Alden sa movie nila directed by Cathy Garcia Sampana) and Alden. Si Ethan ang pinili ni Kathryn.
Sumunod na guests ni Kuya Boy ang dalawang “prinsesa” sa Kapuso Network na sina Sanya Lopez at Bianca Umali. Kahapon naman ay ang mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen ang mga panauhin ni Kuya Boy. Dito ay medyo sentimental na siya. Knows naman kasi sa showbiz ang relasyon ni Kuya Boy at ni Ariel.
Si Kuya Boy ang manager ni Ariel from day one na pumasok sa showbiz ang mister ni Gelli. At dahil kay Ariel kaya naitayo ang talent management ni Kuya Boy, ang Backroom, Inc..
Kaya ‘di napigilan ni Kuya Boy ang maluha when Ariel said on Fast Talk that Kuya Boy changed his life.
Today, aapir naman ang alaga rin ni Kuya Boy at dating TV host na si Mariel Rodriguez.
For sure, marami rin ang naghihintay sa surprise appearance ni Kris Aquino para batiin ang kanyang kaibigan na si Kuya Boy.
Bongga kung aapir si Kris sa mismong set ng FTWBA, but a video greeting will do just the same. Ang mahalaga, nag-effort at nag-public appearance si Kris after she came back from the US.
Anyway, sa pagkakaalam namin ay sa New York, USA nagse-celebrate ng kanyang birthday si Kuya Boy kahit nu’ng wala pang pandemic.
Siya kasi ang kinukuhang host sa isang awards night na nagbibigay-parangal sa mga Pinoy na nasa US at Pilipinas.
Tungkol sa trans na tatay… ICE, GUSTONG SI ELLIOT PAGE ANG MAGBIDA SA IDIDIREK NIYANG MOVIE
KAHAPON ay naisulat namin ang tungkol sa pelikulang gagawin ni Ice Seguerra at ng kanyang partner na si Liza Diño para sa kanilang Fire & Ice Production, ang Trans Fatherhood, na inspired sa kuwento ng buhay ng transman na si Jesi Corcuera.
And we would like to correct na ang gusto ni Ice na gumanap sa Trans Fatherhood, na siya ang magdidirek, ay ang Canadian actor and producer na si Elliot Page na dating si Ellen Page.
Ang dating si Ellen Page ay nag-underwent ng malaking transformation noong December 1, 2020. From there, nakilala na siya bilang si Eliot Page. Baka sa 2026 pa raw nila magawa ang Trans Fatherhood movie.
Well, tinanong din namin si Ice kung may plano ba sila ni Liza na isali ang Trans Fatherhood sa iba’t ibang international film festivals sa mediacon ng Ice Seguerra’s Videoke Hits: OPM Edition Isa Pa! sa opisina ng kanilang Fire & Ice Production.
“If we can, definitely. Parang ang goal namin, maging okay siya for festival but at the same time, magkaroon din s’ya ng theatrical na route na maging okay s’ya for commercial release rin, hindi lang sa festival,” sagot ni Ice.
Two years na pala ang Fire & Ice office nina Ice and Liza. Bongga dahil may malaking rehearsal studio, photo shoot studio at conference room na ipinapa-rent nila.
Anyway, pramis ni Ice na mas pagagandahin pa nila ang Ice Seguerra’s Videoke Hits: OPM Edition Isa Pa! concert na magaganap sa Music Museum on November 8, Friday, 8 PM.
“Happy kami because parang you are, audiences, normally ang audience ko, nasa ganitong age bracket lang, eto, hindi,” diin ni Ice.
Dagdag pa niya, “From medyo may seniors tayo (ang audience ko) pero mas marami, medyo bata-bata. And then, the youngest one na nakita ko siguro, mga nasa 7 or 8 years old and she even went to the stage, kahit hindi niya alam ‘yung kanta, tuwang-tuwa s’ya.”
Ang Ice Seguerra’s Videoke Hits: OPM Edition Isa Pa! is produced by Fire and Ice LIVE!.
Comments