top of page
Search
BULGAR

Napag-iwanan nina Bong, Jinggoy, Lito at Robin… PHILLIP, INUTUSAN LANG DAW TUMAKBONG SENADOR

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Oct. 23, 2024



Photo: Philip Salvador - FB


Ang aktor na si Phillip Salvador ang pinupuntirya ngayon ng mga bashers dahil sa kanyang pagtakbo bilang senador. Tulad din daw ito ni Robin Padilla na agad sumabak sa political arena na wala namang experience sa pamamalakad at ni hindi dumaan sa pagiging konsehal. 


Suwerte lang talaga ni Robin dahil iniidolo siya ng mga Pinoy na mahilig sa mga artista. Sumugal ang mga botante sa isang artista na tulad ni Robin na maka-masa at galing sa hirap.


May ilang mga bashers naman ang nagsasabing marahil ay nainggit lang si Phillip kay Robin kaya kumakandidato ngayon. Tutal, action star din siya at nakasabayan pa sa popularidad sina Sen. Bong Revilla, Jr., Sen. Jinggoy Estrada, at Sen. Lito Lapid. 


Ang hindi lang mapaniwalaan ng marami ay ang naging pahayag ni Phillip na kaya siya nag-file ng kanyang COC ay dahil may mga taong nag-utos sa kanya na kumandidato bilang senador.


Well, bibigyan naman kaya si Phillip ng campaign funds ng mga kumumbinse sa kanya na tumakbong senador sa 2025 midterm elections?


 

NAPAIYAK sa labis na tuwa ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas nang sorpresahin siya ng kanyang anak na si Sancho noong taping para sa finale episode ng programang My Mother, My Story (MMMS) hosted by Boy Abunda. 


Isinama ni Sancho sa set ang aktor na si Jiro Manio, na itinuring na ring anak ni Ai Ai. 

Eight years na hindi nagkita sina Ai Ai at Jiro Manio, kaya hindi napigilan ng Comedy Queen ang maging emosyonal. Bale advanced birthday gift na ni Sancho kay Ai Ai ang surprise visit nila na kasama si Jiro Manio.


Ang kuwento ng buhay ni Ai Ai ang itatampok sa finale episode ng MMMS na mapapanood sa GMA-7 sa October 27. 


Alam ng lahat na ampon lang si Ai Ai at pinalaki ng kanyang adoptive mom na si Justa delas Alas. 


Ang kanyang biological mom ay si Gloria Hernandez. 


Parehong minahal ni Ai Ai ang dalawa niyang nanay, kaya nakaka-relate siya sa mga nanay na nagsasakripisyo para sa mga anak nila. 


Sa set ng MMMS, nagdaos ng kanyang advanced birthday celebration si Ai Ai delas Alas, at masaya siyang nakasama ang King of Talk na si Boy Abunda, at sina Sancho at Jiro Manio.


 

HANGGANG ngayon ay nakakaramdam pa rin ng sepanx (separation anxiety) ang Kapuso young actress na si Jillian Ward dahil sa pagtatapos sa ere ng seryeng Abot-Kamay Na Pangarap (AKNP). 


Mahigit dalawang taon din na tinutukan ng mga viewers ang top-rated afternoon soap. At pamilya na ang turing niya sa buong cast at production staff. 


Maraming masasayang memories si Jillian sa AKNP. Isa na rito ang paglapit sa kanya ng mga tao kapag nakikita siya sa labas. Buong akala ng marami ay totoong doktora si Jillian, kaya nagpapa-konsulta sila ng kanilang karamdaman at “Dra. Analyn Santos” ang tawag sa kanya ng lahat.


Naninibago si Jillian kapag hindi na siya pumupunta sa taping ng kanyang serye. Hinahanap-hanap niya ‘yung pagla-lunch break at sama-sama silang kumakain ng buong cast. 


Mabuti na lang at kasama si Jillian ng mga GMA Sparkle Artists na magso-show sa Japan kaya malilibang siya. Masayang ka-bonding sina Bianca Umali, Ruru Madrid, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, atbp..


 

BALIK-ALINDOG, balik-ganda si Melissa Mendez. Kaya naman, may mga movie projects at TV guestings siya ngayon. 


Malaki ang nagawa sa kanyang career ng pagbabawas ng timbang. Na-achieve niya ang dati niyang sexy figure na naging puhunan niya noon sa kanyang pag-aartista. 

Ibang-iba ang aura ngayon ni Melissa at nagbalik ang kanyang self-confidence. 


Nakatapos na ng isang pelikula si Melissa, ang Unlock na idinirek ni Neal Buboy Tan, produced ni Maria Villanueva Brown ng Starmaker Entertainment Productions. 


Kasama sa movie sina Rafael Rosell, Glenda Garcia, Pinky Amador, Tanya Gomez, Julio Diaz, Beverly Salviejo, Myrna Castillo, at ang dalawang baguhan na sina Nics Villanueva at Jeff Francisco.


Napapanahon ang tema ng pelikulang Unlock dahil tumatalakay ito sa mga kabataang nawiwili sa mga gadgets at sa social media. Gagampanan ni Melissa Mendez ang role bilang si “Teacher Marie”.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page