top of page
Search
  • BULGAR

Napaamin ni Boy... JINKEE, IBINULGAR ANG UGALI NI MANNY NU'NG WALA PANG DATUNG

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | March 14, 2022



Kamakailan lamang ay na-interview ni Kuya Boy Abunda ang misis ni boxing champ Manny Pacquiao na si Jinkee.


Isa sa mga naitanong kay Jinkee ang pagsisimula ng love story nila ng senador.


Pagbabalik-tanaw ni Jinkee, nagkakilala sila ni Manny sa isang mall sa General Santos City. Isa siyang beauty consultant at si Manny naman ay naging customer niya, na noon ay may girlfriend daw. Bumili raw si Manny ng beauty product na itinitinda niya para sa GF nito, subalit simula noon ay lagi na raw dumadaan-daan ang noo’y ordinaryong boksingero pa lamang na si Manny.


Nagkataon naman daw na ang assistant trainer ni Manny ay tiyuhin ni Jinkee, kaya ito ang naging tulay upang ganap na magkakilala ang dalawa.


“Ini-invite niya akong kumain sa labas ‘pag out na ako sa work ko… Doon ko siya mas nakilala,” wika ni Jinkee.


Tahimik lamang daw, mabait at parang hindi masyadong nagsasalita si Manny, na siya namang nakapukaw ng kanyang atensiyon.


Isa pa raw sa mga nagustuhan ni Jinkee kay Manny ay ang pagiging mapagkumbaba nito. Hindi raw mayabang.


So there, brothers! ‘Ika nga, ang pag-ibig, kapag pumasok kanino man, ke mereseng sino ka man, tuloy ang laban ng pusong umiibig, boom ganern!


‘Yun lang and I thank you.

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page