ni Angela Fernando - Trainee @News | February 20, 2024
Umaabot na sa 18 miyembro ng Dawlah Islamiyah-Maute Group (DI-MG) ang nanutralisa ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sinabi ito ni AFP Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr. matapos ang pinakahuling insidente ng armadong engkwentro sa pagitan ng militar at ng teroristang grupo na ikinamatay ng 6 na sundalo, at 3 terorista.
Saad niya, ito ang bunga ng mga operasyon at pagtugis ng militar sa iba pang mga miyembro ng DI-MG na mga suspek din sa makamamatay na pambobomba sa Mindanao State University (MSU) nu'ng 2023.
Kabilang ang pangunahing utak sa likod ng naturang bombing sa MSU si alyas Engineer sa nanutralisa ng militar.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Brawner Jr. sa mga pamilya ng nasawing sundalo at sa mga kaanak ng tropang militar na kasalukuyan ay sugatan.
Comentarios