top of page
Search

Nanood ng movie ng misis… MADIR NI ICE, NALOKA SA PAGIGING ‘HUBADERA’ NI LIZA

BULGAR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Feb. 12, 2025



Photo: Liza at Ice - Bulgar Interview


Mas nakilala man bilang former beauty queen-actress, concert producer, ex-FDCP chairwoman at ngayon ay misis ni Ice Seguerra, hindi pa rin tuluyang matalikuran ni Ms. Liza Diño-Seguerra ang first love niya — ang pag-arte sa stage play.


Kaya naman sa kabila ng kaliwa’t kanang pagpo-produce ng mga shows nina Direk Ice at Liza under their Fire & Ice Live production company, binigyang-oras ng ex-FDCP chairwoman ang maging bahagi ng pagsasadula ng best-selling novel ng National Artist na si Ricky Lee titled Para Kay B


Yes, after ng successful Choosing stage play na pinagbidahan nina Liza at Ice, nakipag-collab naman ang Fire & Ice sa LA Production para mai-produce ang Para Kay B stage play which will run from March 14 to 30, 2025 at the Doreen Black Box Theater ng Ateneo de Manila University.


Gaganap bilang si Esther na isa sa mga main characters sa Para Kay B, makakasama ni Liza Diño ang mga dati nang kaibigan at kasamahan sa teatro at kabilang din dito ang ilang celebrities tulad nina Via Antonio, Divine Aucina, Yesh Burce at Gold Aceron.


Super happy si Chair Liza (nakasanayan naming tawag sa kanya) na makasama sa stage play ng sikat na novel ni Mr. Ricky Lee dahil bihirang-bihira nga naman ang mga nitong pagkakataon na naa-align pa sa vision ng Fire & Ice Live na maipalabas ang katotohanan ng buhay sa pamamagitan ng mga shows and stage plays na tulad nito.


Kaya naman all-out support din si Direk Ice sa Para Kay B kahit wala naman siya sa cast at naging host pa nga sa mediacon na ginanap kahapon.


Sa tanong kung bakit hindi siya sumali sa Para Kay B, natatawang sagot ni Ice, “I need to earn,” dahil open book naman na hindi kalakihan ang kita sa mga stage play kumpara sa mga concerts at TV-movie projects.


Samantala, nagkatawanan nang magbiro si Ice sa presscon na may dapat ba siyang pagselosan sa mga eksena nina Esther (Liza) at Sarah na may mga intimate moments sa play. Being a true actor, game na game naman si Liza sa magiging halikan nila ng kapwa niya stage actress na gumaganap na Sarah.


Pero nilinaw din naman ni Ice na joke lang ‘yun at hindi siya selosong tao kahit minsan nga raw ay nagkaroon pa ng intimate scenes si Liza sa kaibigan niyang si Sid Lucero sa isang pelikula. Nandu’n pa raw siya sa set at nang bumusina sa kanya si Sid, sinabi lang niya rito na tiwala siya kay Liza at sa kaibigan na trabaho lang ang lahat.


Ang mas mukhang affected ay si Chair Liza, dahil pag-amin nito, hanggang ngayon, hindi pa niya pinapanood at magawang panoorin ang kissing scene nina Ice at Mylene Dizon sa digital series nu’ng 2019 pa na Call Me Tita.


Tawa nang tawa si Ice na ganu’n ka-affected si Liza sa kissing scene nila ni Mylene.

Isa pang nakakatawang trivia ni Ice kahapon tungkol sa kanyang misis, nu’ng bago pa lang daw sila ni Liza, tatlong pelikula nito ang pinanood ng kanyang Mommy Caring. 


Naloka raw si Mommy Caring at sabi kay Ice matapos mapanood ang mga movies ni Chair Liza, “Ah Ice, lahat ba ng pelikula ni Liza, naghuhubad siya?” kaya tawa naman nang tawa si Liza.


Pero ang nakakatuwa sa mag-asawa, sobrang open-minded sila at sport sa mga ganitong topic, lalo na si Chair Liza, na malaking tulong talaga na naging bahagi siya ng teatro.


Samantala, ngayon pa lang ay excited na ang cast na bumubuo sa Para Kay B, maging ang director na si Yong Tapang, Jr. at ang three-time first prize winner of the Carlos Palanca Memorial Awards na si Eljay Castro Deldoc sa pagsasadula nila ng best-selling novel ni Sir Ricky Lee, kaya kitakits daw on March 14 to March 30 kung saan may iba’t ibang oras ng pagpapalabas ng Para Kay B sa Doreen Black Box Theater sa Ateneo de Manila University.


0 comments

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page