ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Jan. 6, 2025
Photo: Toni at Piolo - Toni Talks
Thirteen years na palang single si Piolo Pascual at sey niya, hindi na nga raw niya alam kung ano ang meaning ng love life.
“Ang tagal na, eh. ‘Di ko na alam ‘yung love life, eh,” natatawang sabi ni Papa P sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa vlog na Toni Talks (TT).
May mga nagsasabi na nga raw sa kanya na mahihirapan na siya talagang magkaroon ng love life dahil sa tagal na niyang single.
“Sinabi sa ‘kin ni Pastor Julius ‘yun, ‘The more you stay single, the more you’re gonna enjoy it, the more you’re not gonna look for it,’” aniya.
Maging si Toni nga ay nagulat na 13 years na palang walang girlfriend si PJ.
Sey naman ng aktor, “Love life ko talaga ‘yung trabaho ko, eh.”
Tanong naman ni Toni, “So, ayaw mo na ng full-on commitment?”
Sagot naman ni Piolo, “Not for now” na ikinatawa ni Toni.
“PJ, not for now, 21 years old ka ba?” natatawang sabi ng aktres-TV host.
“Busy pa ako sa career ko, eh,” natatawa ring sagot ng aktor.
Kantiyaw naman ni Toni, ‘yan ang naririnig niyang sinasabi ng mga young actors.
Katwiran ni Piolo, “Totoo kasi, eh. You know, I love being single. I don’t see the point of being with someone, especially now because I’m so busy with work.”
Dagdag pa ng aktor, “I’m always with friends, I’m always with my family. And it’s not something that you know, I look for because… eh, nasanay na, eh.”
Naitanong din ni Toni kung ano ba ang qualities na hinahanap niya sa isang babae.
“Christian muna,” sey niya.
Dugtong pa niya, “Family-oriented, siyempre, dapat ‘yung mabait. Hindi full of herself. Hindi ‘yung ‘me, myself, and I.’”
Nang tanungin naman kung ano ang hanap niya sa girl pagdating sa pisikal na aspeto, sagot ni Piolo, ‘yung mga katulad daw ni Toni. Kaya, nagkatawanan na lang sila.
Sa dulo ng vlog ay nagkabukingan na niligawan pala noon ni Piolo si Toni.
Diretsong sabi ng aktor, “Hindi mo ako sinagot.”
Sagot naman ni Toni, “Ewan ko sa ‘yo, PJ! Para kang t*nga. Nu’ng time naman na ‘yun, parang t*nga naman ‘tong si PJ.”
Ibig sabihin ni Toni ay parang hindi raw seryoso si Piolo Pascual that time. Panay naman ang tawa ng aktor.
Aktor, ipinatatanggal daw ni Richard sa Batang Quiapo… BARBIE, NAGSALITA NA SA KANILA NI JOHN
Itinanggi ni Barbie Imperial ang kumakalat na tsikang nagkakamabutihan sila ni John Estrada na kasamahan niya sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ).
Ayon sa tsismis, medyo nagkakalabuan na raw itong si Barbie at si Richard Gutierrez dahil bigla umanong pumasok sa eksena si John.
Ang tsika nga, eh, close na close raw sina Barbie at John sa set ng BQ. Nakakaloka rin ang kuwento na gusto nga raw ipatanggal ni Richard si John sa serye ni Coco Martin dahil dito.
Sa latest episode ng online show ni Ogie Diaz ay ibinalita niyang nakausap niya si Barbie tungkol sa tsikang nagkakamabutihan sila ni John at sinabi naman daw ng aktres na wala itong katotohanan.
“Fake news po ‘yan, kuya,” sey daw ni Barbie.
Dagdag pa ng aktres, ni hindi pa nga raw sila nagkikita ni John sa set ng BQ.
Kumbaga, magkaiba raw ng unit sina Barbie at John sa serye at hindi pa raw nagkakaeksena ang kanilang karakter.
Actually, nakakatawa ang kuwentong ipinatatanggal ni Chard si John sa BQ dahil ano naman ang power ng aktor na magpatanggal ng cast sa nasabing serye, gayung hindi naman siya ang producer at ni wala nga siya sa cast.
Nakakaloka rin na hindi pa nga umaamin sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez sa kanilang relasyon, eh, nali-link na ang aktres sa iba.
Comentários