top of page

Nangyari sa kasal ni Claudia, ibinulgar… UTOL NI DENNIS, BINANATAN ANG MGA PAMANGKIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 10
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 10, 2025





Few hours pagkatapos mag-post at burahin ni Dennis Padilla ang kanyang “budol” post tungkol sa appearance niya sa wedding ng anak na si Claudia Barretto kay Basti Lorenzo, naglabas din ng kanyang hinaing ang younger brother ng komedyante na si Gene Padilla.


Umapir din sa wedding nina Claudia at Basti si Gene pati na ang ina nila ni Dennis.

Ipinost ni Gene ang dalawang larawan niya kasama si Dennis at kanilang ina sa loob ng simbahan kung saan ikinasal sina Claudia at Basti.


At sa caption ay ikinuwento ni Gene ang masaklap na naging karanasan ng kanyang kapatid sa kasal mismo ng anak nitong si Claudia.


Pahayag ni Gene, “Ngayon lang po ako magsasalita. By 1 PM nasa church na po ako galing Bulacan going to Alabang. Si mama po namin 5 AM gumising na excited, same kay kuya Dennis Padilla para sa kasal ng anak niya. 


“Ngayon lang ako naka-witness ng kasal na hindi part ng program ang ama ng bride, sa aga namin du’n na nandu’n mga event organizer, wala man lang nagsabi na hindi siya part ng program. Hindi kasama sa entourage na maglalakad sa gitna papuntang harapan ng altar, nagtatanong kami kung saan uupo ang nanay namin ang sabi kahit saan du’n at ‘yung ama du’n na lang daw sa tumabi sa mga Ninong. 


“Kaya kami ni Kuya Dennis, pumunta na lamang sa likuran, napaluha at napaiyak si Kuya sa mga nangyari. Kaya sabi ko umuwi na tayo after ng simbahan at pa-picture na lang sa ikinasal, naawa rin ako sa Nanay ko kasi naiyak na rin, naramdaman ko ‘yung sakit na naramdaman ng kapatid at nanay ko dahil ama din ako. 


“Ang tagal na panahon na nanunuyo at nahingi ng atensyon ama niyo sa inyo mga anak, ‘yan ba itinanim ng mga nakapaligid sa inyo? Puro kayo karangyaan at kasikatan, sa inyo na lahat ‘yan. Sanay kami sa hirap at ‘di talaga kami nababagay sa inyo pero pinagkaiba namin sa inyo ay ‘yung puso namin at dignidad na ‘di n’yo kayang pantayan.


“Kahit magtanong kayo sa ibang magulang, tama ba o mali ang ginawa n’yo sa tatay n'yo? 

“‘Di pala father of the BRIDE! Guest of the BRIDE!!!”


Hindi natapos sa kanyang caption ang paglabas ng hinaing ni Gene para sa kapatid. Ipinagpatuloy pa ni Gene ang kanyang mga reklamo sa kanyang pamangkin at pamilya nito sa comment section.


Dugtong pa ni Gene, “‘Di nagpapansin kapatid ko sa inyo, longing sa inyo sa atensyon at pagmamahal... sobra na kayo!”


Sobrang nasaktan daw si Gene para kay Dennis sa ginawa ni Claudia sa kanyang ama.

Sey niya, “Sobrang sakit lang!”


May mensahe rin si Gene sa mga nagpo-post ng comment against Dennis.

“‘Yung iba mga nagkokomento kay Dennis Padilla. Alamin n’yo ang simula't simula ng kuwento at pangyayari mula 2007, baka masuklam kayo…,” komento pa ni Gene.

Hindi na nga tumuloy sa reception ng kasal ni Claudia ang kanyang ama, uncle at lola. Instead, tumuloy na lang sa isang restaurant ang mag-iina para kumain.


 

IPAGPAPATULOY ng Philippine rock titans na Urbandub and Typecast bands ang selebrasyon ng kanilang ika-25 anibersaryo sa Baguio Convention Center sa Sabado, April 12.


Prior to their concert sa Baguio, nagsimula ang Urbandub x Typecast 25th Anniversary Tour 2025 sa New Frontier sa Cubao, Quezon City last April 6.


Ang tour ay lilibot sa Pilipinas at sa labas ng bansa. Magpe-perform din ang dalawang banda sa iba’t ibang festivals sa Pilipinas pati na sa Timog-Silangang Asya and US.


Ang Urbandub Band ay nagsimula sa Cebu at binubuo ng singer/guitarist na si Gabby Alipe, guitarist John Dinopol, bassist Lalay Lim, guitarist Russell Manaloto, and drummer Sam Saldusong.


Ilan sa mga awitin ng Urbandub ay binuo mula sa una nilang releases Birth (2001), Influence (2003), Embrace (2005), and Under Southern Lights (2007).


Taga-Laguna naman ang bandang Typecast. Nabuo ang grupo mula sa kaibuturan ng noo'y baguhang underground punk/hardcore scene ng kanilang bayan. Ang Typecast ay binubuo ng mang-aawit/manunulat ng kanta/gitarista na si Steve Badiola, bassist na si Chi Resurreccion, gitarista na si Pakoy Fletchero at drummer na si Sep Rono.


Anyway, the Baguio leg of the tour will feature special guests Greyhoundz and hometown heroes Amateurish and an afterparty event at Hardin Resto Cafe at The Camp right after the show.


Si Paolo Valenciano ang nagdirek ng show sa New Frontier.


Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page