ni Nitz Miralles @Bida | Jan. 19, 2025
Grabe ang mga scammers, may hinaharap na ngang kaso si Rufa Mae Quinto at may marital problem pa, nagagawa pa nilang gamitin para makapanloko.
Naglabas tuloy ng statement si Rufa at pinag-iingat ang lahat.
Aniya, “Mga scammers po asking money using my name. Wala po akong kailangang financial support kahit kanino. And I’m not asking money. Hindi ko po cell. no. (phone number) ‘yan at hindi ako ‘yan.
“Pakikalat n’yo nga po please itong gustong manghingi ng pera sa mga kakilala ko. ‘Wag na kayo gumawa ng kuwento at nai-report ko na kayo sa lawyer ko. Friends beware and be aware! Salamat for sharing to all.”
Ipinost ni Rufa sa X (dating Twitter) ang screenshots ng pagtawag ng scammer sa isang doctor friend ni Rufa na nanghihingi ng P45 thousand dahil kulang daw ang pang-bail niya. Ginaya pa ng scammer ang favorite line ni Rufa Mae na, “Go, go, go!” para mas maniwala ang kausap na siya nga ang tumawag asking for financial help.
“Naku, hindi po ako ito. Wala po akong favor asking to anyone, yes please share and beware and aware sa ganitong manloloko,” paalala ni Rufa.
Walang update si Rufa kung nabigyan ba ang scammer ng hiningi niyang P45 thousand sa doctor friend niya.
‘Kaaliw lang ang mga supporters ng aktres dahil ginagaya kung paano siya magsalita na kahit papaano, magpapagaan sa problema ni Rufa Mae Quinto.
PILYO talaga si Janno Gibbs dahil nang ipakilala siya bilang host ng first sexy-comedy VMX show na WoW Mani (WM), hinawi niya ang VMX girls na nasa harap niya na sakto ang mga kamay niya malapit sa boobs ng two girls na nasa harap niya. Pero hindi naman dumampi ang mga kamay ni Janno, kaya walang isyu.
Puwede ring bago ang presscon ay pinag-usapan nina Janno at VMX girls ang kanyang gagawin, kaya hindi na nagulat ang dalawang girls sa ginawa ni Janno. Ramdam naman na kampante na kay Janno ang VMX girls dahil nagkakabiruan sila.
Abot sa 18 VMX girls ang kasama ni Janno sa WM, kaya natanong siya sa reaction ni Bing Loyzaga.
Sabi ni Janno, naiintindihan ni Bing na trabaho lang ito, na totoo naman at kung magpapadala siya sa selos, siya rin ang talo.
Hati-hati ang labas ng VMX girls sa show, 8 girls every episode at ang second episode ay mapapanood sa January 21.
May 12 episodes nang natapos si Direk Dominador Isip III na siya ring writer at may concept. Kasama sa creative team si Janno na um-attend sa mga meetings at nagbibigay ng input.
Sa nangumusta sa kanya, “Alam n’yo na may pinagdaanan ako, but I’m recovering. I’m just happy I’m still working. I do corporate shows, I do hosting at kasama ako sa Masked Singer as one of the judges. I still look great, taking care of myself and I am still sexy,” sagot ni Janno.
MULING magkakatapat ang mga series nina Coco Martin (Batang Quiapo) at Ruru Madrid (Lolong: Bayani ng Bayan) at inaabangan na ang resulta ng ratings ng dalawang shows.
Maraming kasama si Coco sa Batang Quiapo (BQ) at marami ring kasama si Ruru sa Lolong. Ang last count, 50 lahat-lahat ang cast members ng Lolong at baka madagdagan pa raw. Siguradong pinaghandaan din ni Coco at ng BQ ang pagdating ni Lolong.
Mas maaksiyon at mas marami ang makakalaban ni Lolong (Ruru) sa Book 2 ng adventure-series at isa na rito si Martin del Rosario bilang si Ivan.
Nagpatubo pa ng bigote ang aktor para mas ramdam ang kasamaan ng kanyang karakter.
Sa trailer pa nga lang, inilabas na ng aktor ang kanyang kasamaan.
“I’m very thankful na after Season 1, naging parte ako ng Lolong. Sa tagal ko na sa GMA, ngayon ko lang makakatrabaho si Ruru. Always looking forward ako sa taping namin dahil masaya sa set,” wika ni Martin.
Comments