ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Oct. 26, 2024
Photo: Barbie Imperial - IG
Labis ang pag-aalala ni Barbie Imperial sa kanyang ina at mga kamag-anak na nasa Legazpi, Albay na naapektuhan ng Bagyong Kristine.
“‘Yung iba kong mga auntie, sobrang binaha na ‘yung mga bahay nila,” kuwento niya sa recent interview.
Patuloy ng aktres, “‘Yung mom ko actually, nandoon. Mag-isa lang s’ya kaya medyo kinakabahan talaga ako for her kasi wala talaga s’yang kasama.”
Good thing ay safe naman daw ang kanyang ina, but at the same time ay nalulungkot siya sa sinapit ng kanyang mga kapwa Bicolano.
“Nagpapasalamat ako sa Diyos na okey ang nanay ko, pero of course, I feel bad for all my kababayan,” aniya.
Kaya naman isa si Barbie sa mga tumutulong mangalap ng donasyon para sa mga naapektuhan ng bagyo sa Bicol.
In her Facebook (FB) account ay ipinost ni Barbie ang halaga ng perang nalilikom na nila.
“P81,896 na po ang nalikom naming pera para sa mga kababayan nating Bicolano,” anunsiyo ng aktres.
“Bibilhin (sic) po namin ito ng mga pagkain, bigas, de-lata, at iba pang mga pangangailangan. Magsisimula na po kaming mag-repack bukas para maiabot natin agad ang tulong. Maraming salamat po sa mga nag-donate. Diyos Mabalos!” anang aktres.
SAMAHAN ang Next Gen Multimedia Star na si Shanaia Gomez na lutasin ang kababalaghang bumabalot sa pagitan ng mundong ibabaw at impiyerno sa iWantTFC horror original na The Gatekeeper, now streaming nang libre at on-demand sa iWantTFC.com.
Sa kanyang kauna-unahang lead role, gagampanan ni Shanaia ang isang antiques dealer na si Cita Mendoza na makadidiskubre ng misteryosong aparador, na isinumpa palang magsilbing tulay patungo sa kadiliman — ngayong nagbabadya ring makawala ang mga kaluluwang uugnay din sa kanyang masalimuot na nakaraan.
Mula sa direksiyon nina Matthew at Dean Rosen ng award-winning biopic na Quezon’s Game, ilang taon din ang inabot bago mabuo ang pelikula na kakaiba ang atake sa horror genre, tampok ang blend ng biblical elements sa Filipino folklore.
Ani Direk Matthew sa naunang interview, “I’ve been working on it since 1984 and it took a lot of research. There’s a lot of stuff to get your head around through it. From the initial discovery that I had in the Holy Land of something mystical that happened 3,500 years ago. I have had to research it because it's not very commonly known.”
Samantala, pinuri naman ng mga manonood ang kababalaghan factor ng pelikula, pati ang pagganap ni Shanaia sa kanyang very first lead role.
Libreng mapapanood ang iWantTFC Original na TG sa iWantTFC.com at sa official app nito (available sa iOS at Android).
Bukod sa TG, ipapalabas din nang libre ang ilang horror classics na swak sa panonood ngayong Undas, tampok ang sariling picks ni Shanaia gaya ng Feng Shui, Segundo Mano, Seklusyon, ‘Wag Kang Lilingon, The Ghost Bride, Shake, Rattle, Roll XV, atbp..
Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay.
Comments