top of page
Search

Nanggulat sa premiere night ng movie... VICE, PINAIYAK ANG BEKS BATTALION

BULGAR

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 17, 2023



Hindi napigilang maging emosyonal ng Beks Battalion nang makita sa audience si Vice Ganda sa red-carpet premiere night ng pelikula nilang Beks Days of Our Lives last Monday night na ginanap sa SM Megamall.


Ang Beks Battalion ay kinabibilangan ng mga komedyanteng sina Chad Kinis, MC Muah at Lassy Marquez.


Dumating si Vice Ganda sa event bilang suporta sa kanyang tatlong kaibigan. Bukod sa pagiging bida, directorial debut din ni Chad ang nasabing pelikula.


Walang kamalay-malay ang Beks Battalion na dumating si Vice Ganda at nakaupo na sa sinehan.


Nang pumasok sila at magbigay ng speech sa harap ay pinasalamatan nila ang lahat ng sumuporta tulad nina Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome, KaladKaren, gayundin ang mga bosses ng Viva Films at kung hindi pa nga sinabi ng press na naroroon din ang Unkabogable Star ay hindi talaga nila malalaman.


Nang sabihin sa kanila ng press na nandu'n si Vice ay gulat na gulat sila.

"Si Vice? Totoo ba?" ang sabi nila na tila hindi makapaniwala.


Tumingin sila sa kinaroroonan nito at nang makumpirma nilang si Vice nga iyon ay tuwang-tuwa sila at napaiyak pa sa labis na kaligayahan.


"Meme!" ang tawag nila kay Vice na nu'ng time na 'yun ay iniinterbyu naman ng media.


Nagsimula nang maging emosyonal sina MC and Lassy at isa-isa silang nagpasalamat kay Vice.


Sey ni Chad, "Hindi namin inaasahan. Of course, Meme, maraming salamat sa suporta."


Samantala, punumpuno ng katatawanan ang pelikula at nagamit talaga ng tatlo ang kanilang talent sa pagpapatawa.


May kani-kanya rin silang dramatic highlights sa pelikula at talagang masasabi namin na simula umpisa hanggang katapusan ay pantay-pantay naman ang naging exposure ng tatlo sa screen.


Showing na ngayong Wednesday (May 17) sa mga sinehan ang Beks Days of Our Lives.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page