ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 23, 2024
Photo: Andrea Torres - IG
Marami ang nagtatanong kung bakit tahimik ngayon ang mundo ng Kapuso actress na si Andrea Torres. At may mga interesado ring malaman kung may love life siya ngayon at may mga manliligaw?
Bukod sa maganda, malakas din ang sex appeal ni Andrea. Marami ngang kalalakihan ang naiinggit noon kay Derek Ramsay nang maging nobya niya si Andrea, trophy girlfriend daw ang actress.
Ang maganda lang sa paghihiwalay nina Andrea at Derek ay hindi nila siniraan ang isa’t isa. Walang sumbatan at sisihan na nangyari. At hanggang ngayon, hindi alam ng publiko ang dahilan ng kanilang breakup.
Magaling na artista si Andrea, kaya kayang-kaya niyang makipagsabayan kahit kaninong veteran stars. Kaya marami ang nagtataka kung bakit madalang ang project niya ngayon sa GMA Network.
Hindi lang naman kay Derek siya puwedeng ipareha, puwede rin siyang i-train na mag-host ng show.
Well, may panawagan ang mga fans ni Andrea Torres sa GMA-7 na sana, i-push nilang mag-host ang aktres upang hindi maging “frozen” ang career ng kanilang idol.
Sa grand media launch ng pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions, masayang nagpahayag ang Star for All Seasons na finally, nagawa na niya ang kanyang “dream movie” na matagal na niyang pinapangarap.
Bago pa inalok sa kanya ang pelikulang Uninvited, talagang pinag-iisipan na niya na gumawa ng kakaibang pelikula na tiyak pagkakaguluhan ng mga moviegoers.
Ito raw ay pelikula na ang istorya ay naganap lang sa isang araw. Kaya nang mabasa ni Vilma Santos ang script ng Uninvited, hindi na nahirapan ang Mentorque Productions na kumbinsihin siya na tanggapin ang nasabing project.
Bongga ang cast na kasama sa Uninvited dahil bukod kina Aga Muhlach at Nadine Lustre, kasama rin dito sina Tirso Cruz III, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, RK Bagatsing, Gabby Padilla, Gio Alvarez, Cholo Barretto, atbp..
Sa Uninvited, mapapanood ang kakaibang pagganap ng Star for All Seasons.
At sa edad na 71, kayang-kaya pa ni Vilma na makipagsabayan sa mas batang mga stars sa showbiz. Hindi kumukupas ang kanyang galing sa pag-arte.
Tiyak na aabangan ng lahat at panonoorin ang Uninvited sa darating na MMFF 2024 sa Disyembre. Ito ay mula sa direksiyon ni Dan Villegas at produced ng Mentorque Productions ni Bryan Diamante.
Tiyak na labis na ikatutuwa ni Roderick Paulate ang kanyang pagkakahirang bilang Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award sa gaganaping 39th Star Awards for Movies ng PMPC. Ito ay gagawin sa Winford Hotel bukas, Nobyembre 24.
Malaking karangalan ito para kay Roderick dahil hindi lahat ng artista ay nabibigyan ng ganitong pribilehiyo at pagkilala.
Mahigit apat na dekada na sa showbiz si Roderick. Nagsimula siya bilang child actor, at nakagawa na rin siya ng maraming pelikula kung saan gumaganap siyang gay tulad ng
Kumander Gringa, Bala at Lipstick, Ded Na Si Lolo, atbp.. Ang huling pelikula niyang ginawa ay ang In His Mother’s Eyes, kung saan nanalo siya ng Best Actor na iginawad ng Luna Awards.
Hindi lang sa comedy nakalinya si Roderick Paulate, magaling din siyang TV host. Naging co-host siya nina Vilma Santos at Sharon Cuneta at nakasama rin niya si Carmi Martin sa Tonight with Dick and Carmi show.
Samantala, igagawad din ng PMPC sa Seiko Film producer na si Robbie Tan ang Ulirang Alagad ng Sining sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award sa 39th Star Awards for Movies. Mahigit dalawang dekada na nagpo-produce ng pelikula ang Seiko Films.
Marami silang pinasikat na artista tulad nina Gretchen Barretto, Jestoni Alarcon, Cesar Montano, Rita Avila, atbp. mga sexy stars.
Comments