top of page
Search
BULGAR

Nang magkasama uli, Gerald… JULIA AT JOSHUA, AMINADONG NA-MISS ANG ISA'T ISA

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 12, 2024



Showbiz news

Sa nakaraang Un/happy For You movie mediacon nina Joshua Garcia at Julia Barretto ay naitanong namin kung tinanggap nila agad ang offer nu’ng i-pitch sa kanila pagkalipas ng limang taon nilang paghihiwalay.


Marami na palang offers sa JoshLia (Joshua at Julia) pagkatapos nilang ianunsiyong break na sila during the Paubaya video shoot. Ito pala ang nagsilbing closure ng kanilang paghihiwalay.


Sey ni Julia, “During the pandemic, parang we were receiving the calls and setting meetings about it, originally iba ang kuwento. Then years later, pa-evolve nang pa-evolve na ‘yung material and I think it really boils down to the right time and the right scripts, so, it’s a feeling naman when you know it’s time when the script is right for the two of us. So, I was of course right away.


“Actually, after Paubaya (music video), nagka-offer na kami with Black Sheep (Productions) nu’ng una, kaya lang, hindi natuloy kasi parang hindi pa ‘yun ang tamang panahon para gawin. Then after five years, ito na ‘yung nangyari pag-pitch sa ‘min, ang daming ideas bigla, may ganito, ganyan, so ang saya nu’ng moment na ‘yun. That’s why nu’ng unang i-pitch nila sa akin, sabi ko, yeah, sige, gawin natin ‘to, masaya ‘to, ‘di ba (sabay tingin kay Julia na nakangiti)?” balik-tanaw ni Joshua.


Sa tanong ulit namin kung na-miss nila ang isa’t isa at while doing the movie, sabay nilang sagot, “Oo naman, of course.”


“Na-miss ko! Na-miss ko ‘yung eksena na naintindihan ang nararamdaman ko, may ganu’n, ‘di ba? At lumalabas ‘yun sa scene,” sagot ng aktor.


Dagdag pa nito, “Na-miss ko ‘yung mga tawanan namin. ‘Di lang kami (ni Julia), lahat tayo (cast), ‘di ba?”


Dagdag naman ni Julia, “Oo, sobra, ang saya sa set.” 


Sa tanong kung ano ang ipagpapasalamat nila sa isa’t isa at ihihingi rin ng sorry, “Nagawa na namin ‘to dati, eh,” sambit ng aktres.


Sabi ni Josh, “Thank you and sorry!" kaya natawa si Julia. 


Nag-isip muna ang aktor sabay sabing, “Ikaw, Juls?”


 

Binalikan ang mga nakaraan, Gerald… 

JULIA, PINIGILANG MAIYAK NANG MAALALA KUNG BAKIT SIYA NAG-SORRY KAY JOSHUA 


Julia Barretto

Mahinang pinatutugtog ang soundtrack na Paubaya kaya kinilig ang mga nasa loob ng Dolphy Theater.


Saka sinabayan ni Julia ang kanta, “Ako ang kailangan (pero ‘di ang mahal), hahaha, sinabayan talaga. Bakit kayo ganito? Ginawa na namin ‘to dati, ehhh.”


Natawa rin si Josh at tila natigilan sila.


Bilang gentleman ay sinalo ni Josh si Julia habang nakatitig, “Ako na lang. Thank you, Julia, for being open sa buong journey natin sa pelikula, sobrang thank you.


“Thank you kasi alam kong hindi ako mag-isa ru’n sa pelikula kasi ‘pag may mga araw na down ako, ina-assure mo ako at nandu’n ka para alalayan ako. 


“Thank you generous ka sa acting na ibinibigay mo na hindi ka madamot at wala akong dapat ika-sorry.”


Nagkunwang papahiran ni Julia ang left eye, “Hahaha, joke lang, guys. Relax, ha, ha! There’s no show for today.


“Napaka-genuine mo, Josh, thank you because naramdaman ko sa buong time na isinu-shoot natin ‘tong buong pelikula na ‘to, inalalayan mo talaga ako. Kilala mo pa 'ko kapag medyo kinakabahan ako sa eksena, ‘pag medyo ‘yung energy ko, nagbabago.


“Thank you because you’re always asking kung okay ako and you’re always finding ways to make sure na everything and everyone on the set, okay kaming lahat. Hindi lang ako, everyone, iniisip mo sa set.


“And thank you because ikaw din, naging open ka on this idea to work together again and we’re crazy doing this. Thank you for being open, for being so generous and honest to all of our scenes.


“And ‘yung sorry (nag-isip nang matagal), mapapanood n’yo naman sa movie bakit s’ya (Julia) nag-sorry. Okay na ‘yun, kasi nagawa na namin ‘yun dati,” nakangiting sabi ng aktres pero napansin naming tila pinigilan nito ang luha niya.


Well, ang daming nag-aabang sa Un/happy For You dahil pagkalipas ng 5 years ay muling mapapanood ang JoshLia sa big screen. 


At bilang patunay ay umabot na sa 23 milyon ang views sa iba’t ibang digital platforms sa loob lamang ng walong araw mula nang ito ay i-upload online. Kaya talagang kinasasabikan na sina Juancho (Joshua) at Zy (Julia).


Ito ay mula sa direksiyon ni Petersen Vargas at panulat nina Kookai Labayen, Crystal San Miguel, at Jen Chuaunsu.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page