ni Ambet Nabus @Let's See | Feb. 4, 2025
Photo: Ivana Alawi - IG
Hindi pa rin pala nagbibigay ng anumang reaksiyon ‘yung restaurant na ipinanawagan ni Ivana Alawi na “iwasan” dahil sa hindi nila magandang karanasan dito.
Ayon sa aming napag-alaman, “dedma” pa rin umano ang high-end restaurant kung saan nga nag-order ng “hotpot” ang kilalang vlogger-actress kamakailan.
Umabot ng P17,200 ang kanilang bill, pero hindi ‘yun ang naging isyu kundi ang sobrang tagal ng service considering na for pick-up daw ang order.
Nagkamali na nga raw sa una, kung saan nag-wait nang matagal ang driver ni Ivana, then nang bumalik daw para kunin ang eksaktong order, another hours of waiting na naman daw ang nangyari.
Marami ang nagsasabing tama lang ang ginawa ni Ivana dahil may mga kagayang establishment nga na feeling untouchable.
Hindi naman siguro humihingi ng refund o libreng food ang actress-vlogger na kahit hindi nga active sa showbiz ay super afford ang mga ganyang bagay, ‘noh!
Mukhang naiwanan na nga sa kung saan si Liza Soberano dahil paulit-ulit na isyu na lamang ang ikinakabit sa kanya sa mga balitang showbiz.
Ang alam naman namin ay nagpapaka-busy ang magandang aktres sa kanyang bagong stable na based sa Singapore (Malaysia ba o Indonesia?) at sa mga posibleng international projects para sa kanya.
May mga nakikita naman din kaming mga magazine covers na siya ang feature. May mga anik-anik na music video din at iba pang exposure na obviously ay hindi para sa Pinoy audience, kaya’t ang feeling ng karamihan ay “has been” na siya.
Aguy! Ang sakit naman, lalo’t ang isyu pa rin ng pagsuporta niya sa dating business partner na si Jeffrey Oh na umano’y nanloko kay James Reid ang ikinakabit na balita sa kanya.
Pati nga ang pag-unfollow niya kay James at sa GF nitong si Issa Pressman ay lumang balita na rin, kaya sabi ng netizen, luma na nga si Liza Soberano.
Hay, buhay talaga! Pero bilang respeto sa mahal naming si Enrique Gil kaya ayaw muna naming magbigay ng sarili naming opinyon sa mga ganitong isyu.
Baklang-bakla magmahal…
AI AI AT POKWANG, PAREHO NG KAPALARAN SA LALAKI KAYA ISINUSUMPA NA
ANO raw ang common factor kina Ai Ai delas Alas at Pokwang pagdating sa pakikipagrelasyon sa mga lalaki?
“Kabaklaan,” sigaw ng netizen na halos may parehong observation sa pinagdaanan ni Pokwang at ngayon ay ni Ai Ai naman.
Ayon sa mga netizens, halos pareho raw kasing “bakla” kung magmahal ang dalawang kilalang komedyana na halos bilhin na ang lalaki at pagmamahal ng mga ito.
Kung matatandaan nga naman, parang nauulit lang kay Ai Ai ang noo’y nangyari kay Pokwang na biktima rin ng “cheating” at pagkakaroon ng asawang ‘mas umaasa sa babae’.
Sa latest socmed (social media) posts kasi ni Ai Ai after nitong ma-discover ang panloloko ng asawa, halos wala itong ipinagkaiba sa sentiments at pag-rant noon ni Pokwang na talagang isinumpa at idinemanda pa ang ex-husband para mapaalis ng bansa.
Mukhang sa kaso raw ni Ai Ai, ang pagpapa-deport pabalik sa Pilipinas ang main goal nito para sa naglokong asawa na balitang binigyan na nga raw ng “ring” ang kakulakadidang nito.
Aguy, uy!
Comentarios