ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Pebrero 25, 2024
Viral ngayon ang larawan ng asawa ni Senador Robin Padilla na nagpapa-gluta drip habang nasa opisina ng senador.
Maraming pumuna rito at sinabing sa dinami-rami raw ng lugar ay napili pa niyang sa Senado magpa-gluta drip.
Dinepensahan naman ni Mariel Padilla ang kanyang sarili at sinabing nasa Senado siya para suportahan ang Eddie Garcia bill.
☻☻☻
Bilang chair ng Senate Committee on Ethics ang inyong lingkod, marami ang nagtatanong kung anong hakbang ang ating gagawin sa pangyayaring ito.
Hindi tayo sigurado kung sakop ito ng ating komite dahil hindi naman member ng Senado si Ms. Mariel.
Ngunit, kailangan natin itong tingnan dahil may kalakip itong issues of conduct, integrity and reputation of the Institution, and matters that concern health and safety.
Nakaka-bother lang dahil ‘yung IV procedure was done inside the Senate premises na walang abiso mula sa clinic.
And to make it more complicated, ‘yung gluta drip ay nai-declare na mismo ng DOH na unsafe, banned ng FDA, and it was administered outside the clinic without the proper medical advice from a licensed health professional.
As public figures, sana aware rin tayo sa responsibilidad natin sa publiko. We might be promoting something na ipinagbabawal at ilegal, at akala ng mga tao eh, okey lang.
Isipin din natin may kasamang kapanagutan ang pagiging artista, lalo na kung senador ang iyong asawa.
☻☻☻
Ngayong araw din ay ating ginugunita ang anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Mahalagang alalahanin ito dahil tagumpay ito ng karaniwang tao.
Hanggang ngayon, nananatili itong buhay sa bawat adbokasiya na ating ipinaglalaban at sa ating patuloy na paghahangad ng panlipunang hustisya at pagkakapantay-pantay.
☻☻☻
Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Commentaires