top of page
Search
BULGAR

Nananatiling suspendido ang SSS Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) Program

@Buti na lang may SSS | November 08, 2020


Dear SSS,

Good day. Ask ko lang kung papaano ang husband ko na may permanent disability pensioner na hindi makapunta sa hospital kung saan nakabase ang neurologist niya. Nakatira kami sa Caloocan. Need na namin mag-report this November. Puwede bang pumunta directly sa office ninyo sa Caloocan or need talaga niya pumunta sa doctor? By the way, ang sakit niya ay muscular dystrophy at hirap siya mag lakad. Please help. – Grace C.

Sagot

Mabuting araw sa inyo, Grace!

Nananatiling suspendido ang pagpapatupad ng Annual Confirmation of Pensioners Program o ACOP para sa lahat ng uri ng SSS pensioners. Simula pa noong Pebrero 2020, hindi na muna kailangang pumunta ng inyong asawa sa alinmang SSS branch o sa kanyang depository bank upang mag-comply sa ACOP. Pangunahin sa SSS ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga pensiyunado dahil sila ay kabilang sa mga taong vulnerable sa lumalaganap na sakit na COVID-19.

Habang umiiral ang community quarantine sa bansa ay mananatiling suspendido ang ACOP. Hindi rin puputulin ng SSS ang kanilang pensiyon kahit hindi sila nakatugon sa ACOP sa kanilang taunang schedule.

Kapag tinanggal na ng pamahalaan ang ipinatutupad na community quarantine sa bansa, bibigyan ang mga pensiyunado ng karagdagang 60 araw na palugit upang makatugon sa ACOP. Kung hindi sila nakatugon sa takdang panahon, doon pa lamang sususpindehin ng SSS ang kanilang buwanang pensiyon.

Samantala, ang mga pensiyunado na suspendido na ang mga pensiyon bago pa man magpatupad ng community quarantine bago ang Pebrero 2020 ay bibigyan ng alternatibong paraan upang makatugon sa ACOP. Kinakailangan lamang nilang magdownload ng ACOP Form mula sa SSS website (www.sss.gov.ph) , punan ito at i-email kasama ang identification cards at dokumento sa member_relations@sss.gov.ph o corporate email ng SSS branch o kaya’y ihulog sa drop box na matatagpuan sa mga sangay ng SSS.

◘◘◘


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, hinihikayat namin ang mga miyembro at employer na bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa “Philippine Social Security System” at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates.”


◘◘◘


Kung mayroon kayong mga katanungan ukol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page